Sa sobrang busy ni Jordan sa pinapanood nito ay hindi man lang nito natunugan ang pagdating niya. Imbes na istorbohin ito sa ginagawa nito ay naisipan niyang bumaba sa kusina para kumuha ng pulutan at alak bago niya ito binalikan. Nang maglapag siya ng alak sa bedside table nito ay saka lang siya nito tiningnan. “Ganda ng pinapanood mo, ah,” untag niya. "Mahilig ka ba sa mga ganiyang palabas?" “Maganda talaga ‘to. Trillion ang kinita nito sa takilya, eh,” sabi nito. He was watching foreign movies about assassins. “Kaya ko nang gumamit ng baril kahit hindi mo ako turuan, Jai. Ayaw mo naman akong turuan kaya heto, nagsasariling sikap na lang ako." “Talaga? Sa tingin mo ba matututo ka lang sa panonood?” “Yup.” Nakadapa ito habang nanonood. “Napapadalas yata ang pag-inom mo, Jai. May p

