Habang nagmamaneho si Petra ay panaka-naka nitong tinitingnan ang braso niyang dumudugo habang matalim ang mga mata nito. Ang normal na oras bago makarating sa bahay niya ay inaabot ng isang oras pero dumating sila ngayon na wala pa sa kalahating oras. Paano, parang hinahabol ito ni Kamatayan kung magmaneho. Halos masuka-suka siya sa biyahe dahil akala mo sumali ito sa car race. Sa dating bahay niya nito dumiretso at hindi sa bagong bahay na binili niya. Pagdating na pagdating nila ay bumaba agad ito mula sa driver seat. Nagulat siya nang pagbuksan siya nito ng pinto sa passenger seat habang madilim pa rin ang anyo nito. “Baba na!” pasigaw na sabi nito habang nakasimangot. “Gusto mo bang buhatin pa kita?” “H-hindi na.” Hindi naman masyadong malalim ang hiwa sa braso niya kaya wala

