Sammie's Pov Nasa emergency room na si Lolo Jones habang kami ay nag hihintay sa kundisyon nito. "Hindi pa naman m@matay si Lolo diba?" Naiiyak na tanong ni Hardelien. "Calm down Hardelien, hindi pa tayo iiwan ni Lolo." Wika ni Norphil at niyakap nito si Hardelien na kanina pa nag papanic. Ilang sandali pa ay lumabas na yung doctor kaya lahat kami ay lumapit dito. "Ano na pong lagay ng lolo namin doc?" Tanong ni Harduel dito. "Okey na ang Lolo nyo sa ngayon, pero patuloy na kumakalat ang cancer nya sa lungs." Sagot nito doc na ikinatahimik namin. "Ililipat na namin ang Lolo nyo sa ward nya. Mas makakabuti kung huwag nyong ipapakita sa kanya na malungkot kayo." Nakangiting wika ng doctor kaya tumango nalang kaming lahat bilang sagot. Nang mailipat na si Lolo, wala pa din itong mal

