CHAPTER 2 : UNKNOWN NUMBER

1330 Words
Kinabukasan... KRINGGG KRINGGG! Nagising si Athena sa ingay ng alarm clock sa gilid ng kanilang kama . Tinapik nya ito para tumigil sa pag tunog. Athena:" Goodmorning ba..." Hindi na natuloy ni Athena ang kanyang pag bati ng makita nyang wala sa tabi nya ang kanyang asawa. Kinuskus ni Athena ang kanyang mata gamit ang kanyang mga daliri sabay unat . Tumingin sa phone at nagbabakasakaling nag text sa kanya ang kanyang asawa . Athena:" Bakit kaya di nag txt saken si Tristan ? hindi kaya busy sya . Akala ko pa naman makakasama ko sya ngayon mag breakfast . Haysss" bakas sa mukha ni Athena ang pagkadismaya dahil akala nya makukuha nya ang buong oras ni tristan ng magkasama lang sila . Bumaba na nga si athena papuntang kusina . Maya maya may nakita syang nakahandang pagkain sa lamesa at nakaiwang isang bouquet na roses at may naka sulat sa isang papel na kulay dilaw . To my dearest beautiful wife Athena, Happy Honeymoon babe , sana nag enjoy ka kagabe . pinagluto kita ng masarap na pagkain . Para sayo yan babe . pasensya ka na hindi na ako nakapag paalam sayo mag work . Basta always remember na mahal na mahal kita . ikaw lang ang pinaka special na babae para saken . I love you my beautiful wife Athena take care of yourself iloveyou again mhwaa from you husband tristan :) Habang binabasa ni athena ang sulat ay agad naman itong napangiti . Athena:" Ang sweet parin talaga ng asawa ko " tinignan ni Athena ang nakahain na pagkain . Tinikman nya ito at nasarapan sya sa luto ng kanyang asawa . Athena:" After all ngayon ko lng napag tanto na marunong pala magluto si tristan . Never ko pa kaseng nakitang nagluto sya .hmmm "( pagtataka ni athena subalit hinayaan nalamang nya ito ) Natapos na nga kumain si athena . Maya maya pa ay biglang may tumawag sa kanyang cell phone. "incoming call Babe ?" Athena:' Hello babe , napatawag ka?" Tristan:" wala babe , I just wanna let you know na male-late ako mamaya ng uwe " Athena :" bakit ? may problema ba babe ?" ( pag aalala netong tanung) tristan:" nagka problema lang sa company babe , I need to settle this first . Don't worry I'll call you later Ok bye " Athena:"ok , Ilove..." Magsasalita pa sana si athena ng biglang binaba ni tristan ang kanyang cellphone .. Nag aalala si athena subalit hinayaan nya nalang na asawa nya ang mag trabaho at malaki naman ang tiwala nya dito . Athena:" Ano kayang magandang gawin , nakakaboring kase sa bahay "(Nag iisip) Maya maya sumagi sa isip nya na mamasyal nalang sa labas. Athena:" Alam ko na , mamamasyal nalang ako sa labas . pero wala akong kasama "( biglang lungkot ang tono neto) Biglang naisip ni Athena na isama nalang ang kanyang Best friend na si Mika . Tinawagan ni Athena si mika . "Calling Mika" Mika:" Hi bes , bat ka pala napatawag ? " Athena:" Hello bes , I would like to know kung busy ka ba today ?" Mika:"Hmmm hindi naman masyado,why? Athena:" tara labas tayo . My treat " Mika:" Okey sure !" Lumabas na nga sila Athena at Mika . Pumunta sila ng mall para mag shopping Nang mapagod na sila kakaikot ay bigla namang nag aya kumain si athena . Athena:" Im so tired na , tara lets eat . " Mika:" Saan naman ?" Athena:" Anywhere hahaha " Mika:" haha lets eat nalang sa japanese restaurant " Athena:" Okey tara " Nagpunta sila sa Isang sikat na Japanese restaurant . Doon ay masaya silang nag kekwentuhan ,sa sobrang haba ng napagkwentuhan nila ay di na nila namalayan ang oras . Mika:" Naku , 9:30 pm na pala sh*t"( natarantang nag ayos si mika ng kanyang mga gamit ) Athena:"teka bat nagmamadali ka ? akala ko ba wala kang ibang gagawin ?" Mika:" uh , wala nga pero di ako pwede magpalate ngayon . Darating yung parent ko sa bahay , mapapagalitan ako ng mga yun" Athena:" Until now pa rin ba ? hindi ka na bata no " Mika:" hayaan mo na bes , tara na " tumayo na nga si Athena sa kanyang pag kakaupo . Binayaran na nya ang kanilang bills bago umalis . habang palabas na sila ng Mall ay parang may isang pamilya na lalake ang kanyang nakita . Athena: "Teka si ano ba yun .. Si Tristan ba yung nakita ko ?(Salita sa kanyang isip) Mika:" Oh bat natulala ka jan ?" Athena:" wait , parang nakita ko si tristan . di ako pwede magkamali " Mika:" Alam mo bes pagod ka lang , Need mo magpahinga syaka diba nasa work sya ngayon ? Athena:" oo , sabe nya overtime sya pero di ako pwedeng magkamali bes , damit ni tristan yun . kilala ko yung damit nya" Mika:" Naku bes , namamalik mata ka lang . tara na need ko na din umuwe at baka mapagalitan ako " wala ng nagawa si Athena kundi ang umuwi kasama si Mika . Nakauwe na nga sila pareho sa kanilang mga bahay . Hindi pa rin maiwasan ni Athena ang mapaisip sa nakita nya kanina . Iniisip nalang nya na baka nga pagod sya at namalikmata lang sya kanina . Nag ayos na nga si Athena ng sarili nya . Nag luto na din sya ng foods para sa dinner nila . Pagkatapos ay naisipan ni Athena na mag shower bago matulog . habang nasa shower sya ay nakarinig sya ng isang malakas na kalabog dahilan para bilisan nya ang pag kilos sa banyo . Nang makatapos na nga sya ay agad naman sya bumaba .. Athena:" Babe , ikaw ba yan ? " (Medyo kabadong tanong ni Athena) Walang sumasagot ... Athena:" babe ..." Kumuha si Athena ng isang pamalo para may pang proteksyon sya sa kanyang sarili . Dahan dahan syang nagpunta sa kusina . Nang sisilipin na nya ay agad naman nyang nakita si tristan na umiinum ng alak . Athena:" babe, what happened ? bat naglalasing ka ?" ( pag aalala nito) Athena:" Akala ko ba male-late ka ng uwe" Athena:" Ano bang nangyare ? pinag aalala mo ako eh " Hindi nag sasalita si tristan , ramdam ni athena na hindi sya okey . hanggang sa nakatulog nalang si tristan sa kanilang sala . pinagmamasdan ni Athena si Tristan habang natutulog . Athena:" Siguro na stress si tristan sa company nila " ( salita sa kanyang isip ) Tinanggalan na ni athena ng damit si tristan at kanya itong pinunasan ng maligamgam na pamunas . Maya maya pa ay kinuha na neto ang bag ng kanyang asawa para itabi , nang bahagya nya itong ilalapag sa gilid ay may nakita syang damit sa loob ng bag na kakulay ng damit na nakita nya sa mall kanina ... Athena:" Teka parang ganito yung nakita kong damit kanina ah" Labis na napapaisip si Athena subalit mas pinili nya pa ring magtiwala sa kanyang asawa . Athena:" Hmmm baka nagkataon lang . dibale alam ko namang mahal na mahal ako ng asawa ko " Umakyat na nga si athena sa kwarto para kumuha ng extrang unan at kumot para doon nalang sya matulog malapit sa kanyang asawa at mabantayan nya ito ... Habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay nagising sya sa tunog ng isang cell phone .. May tumatawag sa cellphone ng kanyang asawa .. Bumangon si Athena para i check kung sino ang tumatawag subalit walang pangalan ang naka save dito . "incoming call Unknown number " "Hello, baby are you still mad at me?" boses ito ng isang babae . natigilan si athena sa kanyang narinig . Nanigas ang kanyang mga binti at hita , walang ni anong lumabas sa kanyang bibig . pinakinggan lang nya ang salita ng babae sa kabilang linya "baby, are you still there? " "hays, whatever!" /Hung up/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD