KINABUKASAN
Late na nagising si Athena dahil nahirapan ito kagabe matulog .
Pag gising nya wala na ang asawa nya.Hindi na nagtaka si athena dahil palagi nalang ito hindi nagpapaalam sa kanya bago umalis.
Nasanay na lamang sya sa ganitong routine ng kanyang asawa .Bumangon na nga si athena sa pagkakahiga at agad na tumingin sa harapan ng salamin.
Athena:" Kaya mo yan athena , malalampasan mo din to " ( sambit nya sa kanyang sarili)
Habang tinitignan ni Athena ang kanyang sarili sa salamin at di nya maiwasan ang mapaluha.
Napaupo na lamang sya sa gilid ng kanilang kama at doon ibinuhos ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang asawa .
Athena:" bakit mo nagawa saken to Tristan" ( sambit nya habang umiiyak )
Athena:" ano bang nagawa ko at nagawa mong lokohin nalang ako ng ganun ganun nalang "
Athena:" Para saan pang pinakasalan mo ako kung lolokohin mo lang din ako"
Labis na nasaktan si Athena sa mga nangyayare dahil ang inaasahan nyang masayang pagsasama nila ay nauwi nalang sa wala .
Maya maya pa ay nahimasmasan na sya at nag decide na mag shower na lang .
Habang nasa shower ay tumingin ito sa may salamin .
Athena:" Hindi ako papayag na maagaw ka saken ng babaeng iyon Tristan , Mahahanap ko din kung sino yung babaeng itinatago mo sa akin"
Pagkatapos bigkasin iyon ni Athena ay biglang nagbago ang expression ng kanyang mukha .
Kung kanina sobrang lungkot at pighati ang makikita sa kanyang mukha ay ngayon masasabe mo na isang paghihiganti ang namumutawi sa kanyang mga mata .
Nang makatapos na nga si Athena mag ayos ay agad naman nyang naalala na nasa kanya pa pala ang access card ng kanyang asawa kaya naman nakaisip si Athena ng kanyang Plano para mahuli kung sino nga ba ang babae ng kanyang asawa .
Nag ayos si Athena, nagbabalak syang pumunta sa opisina ng kanyang asawa .
Athena:" Makikilala din kita " (sambit nito habang naka ngiti sa harap ng salamin)
Nakarating na nga si Athena sa opisina ng kanyang asawa . Bago sya pumasok ay sinisigurado muna nya na wala doon ang kanyang asawa .
Sakto naman na may meeting si tristan kaya naman di na nag dalawang isip na pumasok sa loob ng opisina si Athena .
Gamit ang access card ay swipe nya ito at agad naman nyang nabuksan ang pinto .
Pagkapasok ay hinanap nya agad ang laptop ng kanyang asawa at sinubukan na buksan .
May password ang laptop ni tristan kaya naman medyo nahirapan si Athena na buksan ito .
Maraming beses nyang tinry na i access ang password subalit nabigo sya .
Maya maya nag notify na ang laptop na mag la-lock ito kapag isang beses pa na mali ang nailagay nya na password .
Nag isip ng paraan si Athena subalit wala syang maisip na paraan .
Nawalan na sya ng pag asa mabuksan ang card dahil pag nag notify ulit ay malalaman ng kanyang asawa na may gusto maka access sa laptop nito .
Nang aalis na sana si Athena ay nasakit nito ang isang Envelope dahilan para mahulog .
Nang kukunin na ni Athena ang mga nalaglag na kapirasong papel ay may nakita syang naka sulat dito .
Passcode:041521
Sinubukan ni athena na itype iyon sa laptop ni tristan.
CLICK
Athena:" ohmyghad , kung siniswerte ka nga naman athena"
Athena:" Here we go , sino kang babae ka . Bakit sobrang interesado sayo ang asawa ko "
Maya maya pa ay may nahalungkat si Athena na mga picture ng kanyang asawa kasama ang babae .
Nagulantang si Athena sa kanyang mga nakita .
Hindi sya makapaniwala na sa buong taon ng kanilang pagsasama ay wala syang kaalam alam na matagal na pala syang niloloko ng kanyang asawa .
Hindi na natuloy ni athena ang pagbigkas dahil bigla nyang narinig ang pag bukas ng pinto .
Dali daling nakapag tago si Athena sa loob ng isang aparador .
Pumasok sa loob si tristan at ang kanyang secretarya .
Maganda ang secretary ni tristan , balingkinitan ang katawan , may mapupulang labi, mahaba ang buhok , mistisa at matangos ang ilong .
Maya maya pa ay nakita nya ang isang pamilyar na porselas sa kamay ng secretary ng kanyang asawa .
Nakita nya ito sa litrato na nakita nya sa laptop ng kanyang asawa . Hindi man nya nakita ng maayos ang mukha ng babae sa litrato ay batid naman nyang ito ang babae doon dahil sa porselas na suot nito .
Pinigilan ni Athena ang kanyang sarili dahil ayaw nyang gumawa ng eksana sa kumpanya ng pamilya ng asawa nya .
Athena:" So ikaw pala yung kabet ng asawa ko " ( salita nya sa isip)
Athena:" Sino ka at ano ang pinakain mo para mabaliw sayo ang asawa ko "
Maya maya pa ay biglang nabahing si Athena sa loob ng aparador dahilan para makaagaw ng pansin si Tristan kung saan nang gagaling ang tunong na iyon .
Lumapit si tristan sa aparador at kanya itong binuksan .
Tristan:" Athena !? anong ginagawa mo dito ? "( Gulat na tanong ni tristan kay Athena)
Athena:" Suprise babe , gu..gusto lang sana kitang bisitahin . Namimiss na kase kita eh " ( palusot ni Athena)
tristan:" Alam mo namang busy ako ngayon sana nag text ka man lang " ( Inis nitong sagod)
Athena:" Surprise nga diba ? paano kita i surprise kung malalaman mo "
Athena:' Teka , hindi ka ba masaya? namimiss lang naman kita babe"( malumanay nitong sagot )
Pagkasabe ni Athena ay bigla ang tingin nya sa secretary ni tristan .
Napansin iyon ni tristan kaya naman umubo ito at biglang nagsabing...
tristan:"okey , babe this is belle , my secretary . " ( turo nito kay belle)
tristan:"and belle, this is Athena, my wife" ( sabay turo kay Athena)
Athena:" So belle pala ang pangalan mo " ( tinitigan pa rin nya si belle )
Belle:" Nice to meet you maam " ( sabay abot ng kamay kay Athena )
Iniabot naman ni athena ang kamay nya kay belle at agad naman syang napatingin sa porselas na suot ni belle .
Bigla namang nagpaalam saglit si Tristan para mag cr .
Agad naman nakahanap ng tyempo si Athena para makausap ang secretary nito na si belle.
Athena:" Nice bracelet ah " ( pagkukunwari ni athena)
belle:" Ah oo , ang cute nga eh . Gusto mo rin ba nito ? "( pag aalok kay Athena )
Athena :" Nope , hindi kase ako nagsusuot ng mga cheap na bracelet " (Pangiting sagot ni Athena)
Belle:" hindi naman siguro cheap to maam , actually may nagbigay lang saken neto "
Athena:" Oh talaga ? bagay pala talaga sayo . tumatanggap ng pinag lumaan ng iba ." natawang sagot ni Athena)
Athena:" Im just kidding , ano ka ba hahaha binibiro ka lang ( pabiro nya )
Athena:" Unless totoo" ( pasingit nya )
Maya maya biglang pumasok si tristan at agad na nag paalam sa kanya ang kanyang secretaryang si belle .
Belle:" Sir alis na po ako , if ever na may kaylangan kayo . You can call me po " ( Magalang na sagot ni bell)
Athena :' Nice to meet you belle"( sambit nito kay belle)
Nang makalabas na nga si Belle ay agad syang kinausap ni tristan.
Tristan:" babe bat ka ba talaga nandito ? ( pagtataka na tanung ni tristan)
Athena:" Wala , di mo ba ako namimiss ? " ( sabay pout ng kanyang labi )
tristan:" Of course I miss you too pero nasa work hours ako . Alam mo naman diba ? "
Athena:" Hmm ganito nalang , aantayin kita mamaya sa bahay gusto kong sabay tayo mag dinner . You know it's our anniversary diba ? "
Biglang naalala ni tristan na Anniversary nga pala nila ngayon ni Athena .
Tristan:" Oo nga pala , Ahmm Im not sure kung makakauwe ako ng maaga babe . "
Athena:" Plss babe , sige ka magtatampo ako sayo "
Athena:" and also may surprise ako sayo " ( sabay pag ngisi ni athena)
tristan:" Okey fine , basta I'll let you know "
Athena:" antayin kita babe ah , iloveyou "
Tristan:" ok I love you too babe "
Pag talikod ni athena ay napangiti sya ng onti dahil sa sinabe ng kanyang asawa .
Bago makauwe si Athena ay dumeretcho muna sya sa grocery upang mamili ng mga lulutuin nyang handa para mamaya sa dinner date nila ng kanyang asawa .
Nang makauwe ay dali dali syang nag ready at nagluto ng mga masasarap na handa .
Nagluto din sya ng paborito ni tristan na pagkain .
Nang makatapos na si Athena ay sobrang saya nito .
Tinawagan nya ang kanyang best friend na si Mika para ibalita ang kanyang paghahanda sa pag uwe ni tristan at ang pagluto nito ng mga paborito nitong pagkain .
Mika:" Happy anniversary sa inyo ni tristan bes "( masaya nitong bati kay Athena)
Athena:" Thank you bes"
Mika :" so ano namang sabe sayo ni tristan? anong oras daw sya uuwe ? "
Athena:"Im not sure pa pero sabe nya uuwe daw sya at mag didiner date kami , Im so excited bes " ( natutuwang sambit nya )
Mika:" Ganun ba ? Im happy for you bes , oh sya balitaan mo nalang ako tomorrow kung anong nangyare. Enjoy your evening bes "
Athena:" thank you bes ,bye"
Pinatay na nga ni Athena ang cellphone at agad na huminga ng malalim .
Nag isip na maliligo na para makapag ayos na sya ng kanyang sarili .
Athena:" Need ko na mag shower at magpaganda pa lalo para ma realize ni tristan na mas nakahihigit ako kay belle"
Naligo na nga si athena .
Pag katapos ay nag ayos na ito ng kanyang sarili .
Nag suot sya ng kulay red na dress .
Nag lagay ng mild lipstick sa kanyang mapulang labi
at nag spray ng pabango .
Tinignan nya ang kanyang sarili at sabay na ngumiti .
Athena:" Akin ka ngayong gabe Tristan at sinisigurado ko sayo na walang makakapantay sa mga gagawin ko sayo ngayong gabe "( sabay ngiti ng marahan sa harapan ng salamin )
Tumayo si Athena sa tapat ng salamin at sabay na nag pose ng sexy at mapang-akit style .
Kinuha nya ang kanyang cellphone at nag picture .
Maya maya ay pinasa nya ito sa kanyang asawa na si tristan .
/Incoming call babe/
Athena:" Hi babe , napatawag ka ata bigla ? " ( pang aakit na tanong ni Athena)
tristan:" babe , ano yung sinend mo saken ? "
Athena :" Your favorite foods" (sabay ngiti)
tristan:" Alam na alam mo talaga kung ano ang paborito ko "
Nahalata ni Athena ang pagkasabik ni tristan .
Athena:" Bilisan mo na umuwe at inaatay ka na nito "
Biglang pinatay ni Athena ang call dahilan para di na makasagot pa si tristan.
Kasabay nun ay ang pag ngisi ni Athena sa labi at sabay sabe ng ...
Athena:" I'll make sure that you will never gonna forget this night , Tristan "