Chapter 1

1662 Words
20 years later... HINDI pa man umaalis ang bus na sinasakyan ko papuntang maynila ay abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Ni hindi ako mapakali sa kinauupuan at parang may dumadagang bagay sa dibdib ko, sobrang bigat. "Anak, magiingat ka doon, ha? Kapag hindi mo kaya ang trabaho mo, umalis ka. Hindi mo kailangang magtiis sa trabahong papasukan mo kung sa pakiramdam mo ay nahihirapan ka. 'Wag kang makakalimot na tawagan kami, ha? Naiintindihan mo ba, Lori Leigh?" pahabol na bilin ni tatay sa akin sa labas ng bintana ng bus. Paulit-ulit niya akong pinapaalalahan at paulit-ulit ko ring isinasapuso ang mga iyon. Malungkot akong tumango at pilit na ngumiti. "Opo, 'tay. Magiingat din po kayo. Kapag natanggap ko na po ang unang suweldo ko ay agad ko pong ipapadala sa inyo para po ma-operahan kaagad si nanay sa sakit niya sa bato." nangingilid ang luha sa mga mata ko sa pagaalala kay nanay at gano'n din sa tatay ko na halos hindi na rin makapaglakad ng maayos dahil sa na-stroke ito sa sakit naman niyang highblood. Nakita ko ang pagpupunas ng luha sa mga mata ni tatay nang muli ko siyang tingnan. Naiyak na rin ako ng tuluyan. Nalulungkot ako ng sobra. Ngayon lang ako mahihiwalay sa kanila. Sa loob ng dalawampong taon ay ngayon lang ako mapapalayo sa kanila. Kinailangan ko kasing maghanap ng trabaho na mas mataas ang sahod para maipagamot kaagad si nanay Melia. Hindi rin kasi sapat ang sinasahod ko sa pagsi-sekretarya. Halos pangkain lang namin ang sinusweldo ko roon. Computer secretary ang natapos kong kurso kaya pagiging sekretarya lang ang nakuha kong trabaho pagkatapos sa kolehiyo. "Magiingat ka rin doon, anak! Huwag mong pabayaan ang sarili mo, ha?" muling habilin ni tatay. "Ako na ang bahala sa kanya, Armando. Hindi ko siya pababayaan doon. Magkasama kami sa trabaho ng anak mo. Iisang bahay lang ang tutuluyan namin kaya't 'wag ka ng masyadong magalala." ani tiya Sonia na pinsang buo ni tatay. Siya ang nagrekomenda sa akin sa papasukan namin. Siya ang tagapagluto roon at ako naman ang isa sa mga magiging tagalinis. Tumango-tango si tatay ngunit bakas pa rin ang lungkot sa mukha. Kinalma ko ang sarili ko at nginitian ko si Tatay upang pawiin ang lungkot na nararamdaman niya. "Tatay, uuwi din po ako. 'Wag na po kayong magalala sa akin. Tatawag din po ako sa inyo ng madalas. Pangako po 'yan.." "Sige anak." pilit na rin siyang ngumiti sa akin. Kumaway na ako sa kanya nang dahan-dahan ng umandar ang bus. Nakita ko pa si tatay na paika-ikang naglakad pasunod sa bus para tanawin ako. Muling nanikip ang dibdib ko. Parang gusto kong tumalon at bumaba na lang muli sa sinasakyan para lamang huwag kong makita ang tatay ko na nalulungkot ng gano'n. Pero, gustuhin ko man ay hindi na maaari. Nakalabas na ang bus sa loob ng terminal. Hindi ko na rin makita si tatay. Napasubsob na lamang ako sa mga kamay ko at tahimik na umiyak. Ayokong marinig ng mga katabi ko at lalong lalo na ni tiya Sonia na umiiyak ako. Nakakahiya din kasi. Ako lang ang tanging emosyonal sa loob ng bus. "Iiyak mo lang 'yan, Leigh. Upang mabawasan ng kaunti ang kalungkutan mo." narinig kong sabi ni Tiya Sonia at hinahagod-hagod pa nito ang likod ko. "Pasensiya na po kayo, Tiya.. Ngayon lang po kasi ako nawalay sa kanila. N-Nalulungkot po ako ng sobra.." sumisigok-sigok pang sabi ko. "Naiintindihan kita. Hayaan mo at pagdating natin doon ay mawawala din 'yang kalungkutan mo. Napakarami ng pasyalan doon. Pwede kang mamasyal kapag day off mo. Kaya, tumahan ka na." "Opo." pilit ko ng kinalma ang sarili ko at inayos ang buhok na nagulo. Ibinuka ko rin ang panyo na basang-basa na dahil sa dami ng iniluha ko. Pagkuwa'y nilingon ko si Tiya Sonia na tahimik na ring nakatingin sa unahan ng bus. "Tiya, ilang oras po ba ang biyahe papuntang maynila?" Napalingon din ito sa akin pagkarinig sa tanong ko. Saglit itong nagisip. "Sampo hanggang labin-dalawang oras ang biyahe natin, Leigh." Natigilan ako. "Medyo.. matagal po pala bago makarating doon." Tumango ito. "Oo, kaya para huwag kang masyadong mainip, maaari ka munang matulog. Gigisingin na lang kita kapag huminto ang bus para makakain tayo." "Sige po, tiya." Muli na akong tumingin sa labas ng bintana. Doon ko na lamang itinuon ang atensyon nang sa gano'n ay mabawasan ang lungkot sa dibdib ko. Napapatingin ako sa mga tanawing nadaraanan ng sinasakyan namin. Ngunit nang mapagod na ang mga mata ko ay kaagad na akong pumikit. Totoong inaantok ako dahil halos hindi ako nakatulog kagabi sa pangamba, pagaalala at lungkot na nadarama. Tuluyan na akong nakatulog. Nagising lamang ako nang maramdaman ko ang mahinang pagyugyog ni Tiya Sonia sa balikat ko. Nai-angat ko bigla ang ulo ko para lingunin ito. "Bakit po, Tiya?" nagtatakang tanong ko. "Huminto na ang bus, Leigh. Tara at bumaba muna tayo. Kakain na tayo ng hapunan natin." aniya at agad ng tumayo. "Sumunod ka na sa akin, Leigh," aniya at nagpatiuna nang bumaba sa bus. Mabilis kong inayos ang sarili ko at agad na ring tumayo. Lulugo-lugo pa ako dahil sa inaantok pa ako ngunit naramdaman ko ring kumakalam na ang sikmura ko. Nakayuko akong naglakad papunta sa labasan ng bus kaya't hindi ko napansin ang lalaking makakasalubong. Nagulat na lamang ako nang magkabungguan kami ng balikat at muntikan pa akong matumba. Mabuti at mabilis naman niya akong nahawakan sa braso kaya't hindi ako tuluyang tumimbuwang sa sahig. "I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya. Hindi kita nakita, eh. I'm sorry. Pasensya na," paulit-ulit na paghinga ng despensa ng lalaki may kagandahan ang boses. Hinawi ko muna ang buhok kong tumabing sa mukha ko bago ko hinarap ang lalaking nakabangga. Doon ko napagtanto kung sino ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ako. "Lori Leigh Samañiego?" di makapaniwalang anas niya. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang balikat. Tumango ako at pagkuwa'y tipid siyang tinapunan ng ngiti. "Oo, ako nga. Jake Laurence Guevara." Kusa nitong binitawan ang magkabilang balikat ko nang mapagtanto sa pagkakagulat niya. Hindi ko ito masisisi kung gano'n ang naging reaksyon niya. Nakangiti ito habang napapailing-iling. "I can't believe na makikita kita rito! I was so lucky!" aniya ngunit iginala-gala ang paningin at biglang nangunot ang noong tumingin sa akin. "A beautiful woman like you deserve to ride a private plane instead of riding a cheap bus like this." turo niya sa bus na binabaan ko. "Hindi naman ako mayaman, Laurence, eh. Kaya okay na sa akin ang sumakay ng ordinary bus. Mas makakatipid pa ako dito," sabi ko. Sumeryoso ako pagkuwan. Tumango-tango na lamang ito. "Oh, okay. But, just tell me if you're not comfortable on your seat, my car is always willing to ride with you." pilyo nitong alok ngunit agad akong umiling. Kailangan kong tumanggi. Oo nga't mabait ito ngunit may kunting kapilyuhan ang ugali nito. Matagal na itong nanliligaw sa akin ngunit paulit-ulit ko namang sinasabing maging magkaibigan lang kami. Hindi lang dahil sa hindi pa ako handang makipagrelasyon kundi, hindi ko siya kailanman nagustuhan. Ewan ko ba.. Gwapo din naman ito. Mayaman, mabait, matangkad, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat may trabaho. Pero, hindi ko talaga magawang gustuhin ito. "Leigh?" narinig kong tawag sa akin ni Tiya Sonia. Napalingon ako dito at nakita ko itong salubong ang mga kilay. "Hay naku itong batang ito, oo! Akala ko kung nadaganan ka na ng bus. Kanina pa kitang hinihintay sa mesa. Malamig na tuloy 'yong pagkain mo," aniya saka sandaling sumulyap kay Jake Laurence.. Napakamot ako sa noo. "Pasensya na po, Tiya Sonia. Kinausap ko lang po sandali itong kaibigan ko." turo ko kay Laurence na medyo nalukot ang mukha. Hindi ko malaman kung bakit. "Gano'n ba. Ha'yo, halika na. Bumalik na tayo sa bus at baka maiwanan tayo." marahan na akong hinila ni Tiya Sonia pabalik sa bus. Lumingon na lamang ako kay Jake Laurence at kumaway para magpaalam. Ngunit, nasa loob na kami nang bigla akong nahinto. "Tiya Sonia.. hindi pa po ako kumakain," sabi ko saka hinapuhap ko ang tiyan kong umaalburuto. May inabot siyang styro na napaloob sa plastic bag. "Ipina-take out ko na lamang dahil kako hahanapin kita. Dito mo na kainin sa upuan mo. May dala akong malaking mineral water kaya doon ka na lang kumuha ng iinumin mo." utos nito. Tumango ako at agad na rin akong tumalima. Pagkaupo ko ay agad ko nang kinain ang pagkain na nasa styro at dahil gutom na gutom na ako ay mabilis ko iyong naubos. Kumuha din ako ng disposable cup sa echo bag na dala ni Tiya Sonia at agad na nagsalin ng tubig. Nakatatlo akong kuha dahil sa tindi ng uhaw. Nang matapos ay kaagad ko nang inayos ang mga kalat. Inayos ko na ring muli ang sarili ko upang muling matulog. Sakto at umandar na rin ang bus. Nagulat pa ako nang biglang mamatay ang mga ilaw at mapalitan iyon ng dim light at pumaibabaw ang tunog ng isang awitin. ? I'll make a wish for you And hope it will come true That life would just be kind To such a gentle mind If you lose your way Think back on yesterday Remember me this way Remember me this way ? Bumikig ang lalamunan ko dahil sa lungkot ng kanta. Bumalik bigla ang kalungkutan ko. Naalala ko na naman tuloy ang tatay ko noong papaalis pa lang ang bus na sinasakyan namin. Mas lalong sumidhi ang lungkot ko nang bumuhos bigla ang ulan. Parang nakikiramay ito sa nararamdaman ko ngayon. Totoong napakalungkot ang mawalay sa pamilya lalo't may mga karamdaman ang magulang na iniwanan ko.. Ngunit, kailangan kong magtiis. Para iyon sa kanila.. Tuluyan na ring bumuhos ang mga luha sa mata ko kasabay ng malakas na buhos ng ulan.. To be continued... (A/N: Soundtrack "Remember Me This Way" by Jordan Hill)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD