JAZZLENE "Are you sure? Bakit? May problema ka ba rito sa hotel?" May halong concern ang tono ni Ate Brianna nang banggitin ko sa kaniya ang plano kong pag-re-resign. Plano pa lang naman, hindi pa talaga ako sure. Bahagya akong ngumiti. "Hindi. Walang problema. Ano lang, uh, personal problem," sagot ko, hoping na huwag na siyang mang-ungkat pa. Mukhang nahalata naman niya na hindi ako handang magsabi kaya hindi na siya nang-usisa pa. Pagdating ng lunch break namin, nakatanggap ako ng message kay Adam, pinapupunta niya ako sa office niya para sabayan siyang kumain since narito siya ngayon sa hotel. As usual, pasimple ulit ang pagpunta ko roon. Kunwari ay may inutos sa akin si Sir Mikko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga tao rito na may relasyon kaming dalawa. Pagdating k

