CHAPTER FIFTY-THREE JAZZLENE My body tensing habang nakaupo sa upuang nasa harap ng table ni Adam, nakatitig siya sa 'kin habang hawak ang CV ko na iniabot ko sa kaniya kanina nang hingin niya 'yon. "Ikaw ang may-ari nitong M-Power Hotel?" mahina kong tanong, hindi pa rin makapaniwala. Ngayon ko lamang napagtano na ang M sa M-Power ay nangangahulugang Meadows. "Yes," tipid niyang sagot. Hindi ko naiwasang magbalik-tanaw sa OJT days ko rito sa hotel niya. "Si Sasha? Ikaw ba ang—" "This is supposed to be your interview, so why are you asking me questions?" Natahimik ako dahil sa malamig niyang pakitungo sa 'kin. Five months, pero hindi pa rin siya nagbago. Siya pa rin 'yong cold na Adam na nakilala ko noon. Napalunok ako. "I'm sorry. Uhm, okay. Let's proceed to the interview," I said,

