CHAPTER TWENTY-THREE ADAM MEADOWS WHEN I said na bibilhan ko siya ng restaurant, I wasn't joking. Dahil noong paalis na kami sa party at nagda-drive na ako pauwi sa bahay, tinawagan ko ang assistant kong si Ezra para maghanap ng mabibiling restaurant ngayong gabi. At 'yon ang naging dahilan ng pagtatalo namin ni Jazz sa sasakyan. "Gano'n ba talaga kapag mayaman? Hindi na pinag-iisipan kung saan n'yo wawaldasin ang pera? What if ibigay mo na lang nang cash sa 'kin? Then, i-invest ko sa 'yo? Kapag lumago na, ako na ang bubuhay sa mga kuya ko para hindi na nila kailangan magtrabaho. Mas gusto ko pang sila ang kasama ko kaysa sa 'yong nuknukan ng pagka-OA!" Imbes na mainis sa pagsigaw niya sa 'kin, nagpipigil ako ng tawa. And in the end, nagawa niya akong pigilan na bilhan siya ng restaura

