CHAPTER FORTY-FOUR JAZZLENE NANG imulat ko ang mga mata ko, wala na si Adam sa tabi ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaidlip, pero ang alam ko ay magkatabi kami kanina dahil matapos ang nangyari sa amin ay hindi muna ako bumangon sa kama niya. Pareho kaming nanatiling nakahiga, magkatabi habang magkayakap. Sinabihan niya ako na umidlip at maya-maya na lamang daw niya ako ihahatid sa bahay. Pabor din ako roon kaya naman sinunod ko siya. Nasaan siya? I sat up, feeling the lingering warmth of where Adam had been lying next to me. I glanced around the room, my eyes lingering on the door. Maybe he was just outside, doing something important. I threw off the covers and got out of bed, feeling the coolness of the floor beneath my feet. I quickly grabbed the robe hanging on the ch

