MAGANANG kumakain si Neriah ng mansanas habang nakapatong ang binti niya sa hita ni Lucien at nakasandal ang likod niya sa armrest ng sofa. Lucien was busy with his work, while Neriah was just scrolling on her phone. Dapat ay nasa opisina si Lucien sa mga oras na ‘to, pero dahil ayaw niyang iwan si Neriah, sa apartment na lang siya nagtrabaho. Pinapa-email na lamang niya kay Miguel ang lahat ng mga report na kailangan niyang asikasuhin. He glanced at his girlfriend and smiled, seeing her eating an apple heartily. “Are you still feeling pain?” Lucien asked. Worry was drawn on his face. “Medyo. Pero hindi na masyado.” Tugon niya. The other day… dahil sa sobrang pag-aalala, talagang nagpatawag pa si Lucien ng doktor para lamang mapatingnan siya. Neriah was embarrassed, but the

