Chapter 17 - Another Chance

1504 Words

"Becka!" Tuloy-tuloy siya sa pagtakbo palayo sa VIP room kung saan nandoon si Clinton at lalo pang bumilis ang pagtakbo niya nang mapagtantong humahabol ito sa kanya. Bakit ba siya nito hinahabol?! Ayaw na muna niya itong makaharap! Wala siyang mukhang maihaharap dito matapos niya itong iwan noon at hinayaan itong isipin na pinili niya si Liam kaysa rito. At paano nga kung hinahabol siya ni Clinton para lang sumbatan siya? Hindi niya yata makakaya ang kahihiyan na matatamo niya. "Becka, wait!" Hindi niya pinansin ang mga sigaw na pagtawag ni Clinton sa kanya haggang sa wakas ay makalabas na siya sa bar na iyon. Dumiretso siya sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi na paparating pero bigla na lamang may pumigil sa braso niya at paglingon niya ay si Clinton na pala agad iyon! "Let

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD