Tulad ng plano niya ay niyaya niyang lumabas at uminom si Rona pero pasimple lang niya iyong ginawa. Sa ibang bar niya rin ito niyayang uminom at hindi sa bar ni Clinton. Lately lang din niya nalaman na si Clinton ang may-ari ng bar na madalas niyang puntahan dahil nabanggit ni Rona minsang nagku-kuwentuhan sila. Nagkataon namang tila may gumugulo sa isip ni Rona tungkol sa lovelife nito kaya pumayag ito at pumayag din itong wag sabihin sa boyfriend nito na lalabas silang dalawa. Niyaya niya ito sa Z Place, isang bar na malayo sa bar ni Clinton at siguradong hindi puntahan ng grupo ng mga kaibigan nito dahil di hamak na walang panama ang bar na iyon sa bar ni Clinton. Pero hindi pa nagtatagal na dumating sila at habang sumisimsim sila ng cocktail drinks na inorder nila ay bigla namang

