Maingat na binasa ni Clinton ang sulat na iyon. Ni hindi niya naisip na umupo muna para mas maging kumportable siya habang binabasa ang sulat at sobrang nagulat talaga siya lalo na habang binabasa na niya ang laman ng sulat na iyon. "Where did you find this letter, dad?" puno ng pagtatakang tanong niya sa Daddy niya matapos niyang basahin ang sulat ni Liam. For him it is really questionable that a letter for him suddenly surfaced somewhere. At ang Daddy pa talaga niya ang nakakita. But if he will base the informations written on that letter to reality, masasabi niyang tugma talaga ang nakasulat doon. Pero ang tanong, bakit hindi iyon direktang naipadala sa kanya? At saan ba iyon nakuha o nakita ng Daddy niya?? Ni hindi nga nito kilala si Liam o si Becka. Pinakatitigan niya ang Daddy niy

