Chapter Eleven

1805 Words
"KISA, let's talk," seryosong sabi ng kanyang ina habang nagmamaneho ito. "Ano pa ba ang pag-uusapan natin, 'Ma?" nababagot na tanong niya. "Sana ay kinausap mo ang papa mo. Hindi tamang tinakbuhan mo siya. Maraming taon na ang lumipas. Oras na para patawarin mo siya." Nilingon niya ito. "Bakit ganyan ka kadaling makalimot, 'Ma? Iniwan niya tayo para sumama sa babae niya!" "Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo alam ang katotohanan." Pumikit siya nang mariin. "I'm tired, 'Ma. Ayoko nang makinig sa kahit ano." Paghinto ng kotse sa tapat ng bahay nila ay agad siyang bumaba mula roon. She was too hurt and angry to listen to her mother. Hindi rin niya gusto ang ginawa nitong pagtatanggol sa kanyang ama. Nagulat pa siya nang pagdating niya sa sala ng bahay nila ay nakita niya si Oreo na may kausap na may-edad na lalaki. The man, who was probably the same age as her father, stood up when he saw them. "Magandang araw," nakangiting bati ng lalaki. Bumaling siya kay Oreo na mabilis namang nagpaliwanag. "Kisa, this is my father, Raul. Dad, siya po si Kisa, ang anak ni Tita Klaris." Dumating na rin ang kanyang ina. "O, Raul, nandito ka na pala." Pilit siyang ngumiti. "Hello, Tito Raul. Pasensiya na po kayo pero magpapahinga muna ako sa kuwarto ko. Excuse me," sabi niya nang hindi nililingon ang kanyang ina. "Oreo, pakisamahan nga muna si Kisa. Kailangan niya ng kausap," narinig niyang sabi ng kanyang ina. Hindi niya narinig na sumagot si Oreo pero naramdaman niyang nakasunod ito sa kanya kaya hindi niya isinara ang pinto ng kuwarto niya pagpasok niya roon. Padapa siyang humiga sa kama at doon umiyak. "Magbihis ka muna, Kisa. Basa ka. Magkakasakit ka niyan," sabi ni Oreo. Bumangon siya at hinarap ito. "Oreo, si Stone ang batang umagaw sa papa ko. Paano nangyari 'yon? I thought that child was a girl." "Huminahon ka, Kisa." Umupo ito sa tabi niya at marahang tinapik-tapik ang likod niya. "Paano mo nalamang si Stone ang batang 'yon?" "Nagkikita-kita kami sa court kanina. Ako, si Mama, si Stone, at ang papa ko. Alam ni Stone kung sino ako. Sa umpisa pa lang, alam na niyang ako ang anak ng lalaking inagaw ng nanay niya. Alam niya ang lahat pero hindi niya sinabi sa akin." Matagal bago nagsalita si Oreo. "Hindi nga niya sinabi sa 'yo, pero hindi mo ba naisip na iyon ang maaaring dahilan kung bakit pilit ka niyang itinataboy noon?" Natahimik siya. May punto si Oreo. Maaaring hindi masabi-sabi ni Stone sa kanya ang bagay na iyon dahil alam nitong mananariwa ang sugat sa puso niya, kaya pilit siya nitong itinaboy upang marahil mapigilan nito ang pagtuklas niya sa katotohanan. Kaya naman pala parang takot na takot ito nang sabihin niyang nakita niya ang animal clinic ng mommy nito. Natakot itong makilala niya ang ina nito, ang babaeng umagaw sa kanyang ama. Muli na namang tumulo ang mga luha niya. "I fell in love with the son of the woman who destroyed my family." Humikbi siya. "I fell in love with the boy who stole my father." Hindi siya makapaniwalang ang batang kinamumuhian niya ay ang lalaki rin na minamahal niya. If fate was playing a joke on her, it wasn't funny. Ang buong akala niya ay babae ang batang iyon kaya nagtataka siya kung paanong naging si Stone iyon. Hanggang sa maalala niya ang sinabi ni Snap. "May play kasi kami na ginawa no'ng nasa elementary kami. Nakakahiya ang role na napunta kay Stone noon. Luckily, meron akong picture niya habang naka-costume siya at iyon ang ginagamit ko para mapasunod siya sa mga gusto ko." Kinuha niya ang cell phone niya at tinawagan si Snap. Sinagot naman agad nito ang tawag niya. "Snap, puwede ko bang makita ang sinasabi mong nakakahiyang picture ni Stone no'ng nasa elementary kayo? Please..." Matagal bago ito sumagot. "Magkita na lang tayo, Kisa." "Thank you," sabi niya at pinutol na ang tawag. "Kisa, puwede ba akong magtanong?" tanong ni Oreo. "Ano 'yon?" "Ngayong alam mo na kung sino talaga si Stone, nawala na ba ang pagmamahal mo sa kanya?" Natahimik siya. Parang sagot sa tanong ni Oreo, sa pagrehistro ng mukha ni Stone sa isip niya ay humupa ang galit niya at napalitan iyon ng mabilis na pagtibok ng puso niya. No. I still love him. *** NANGINGINIG ang mga kamay ni Kisa habang pinagmamasdan ang litratong hawak niya na bigay ni Snap. Pamilyar sa kanya ang kulot na buhok at pink ballet dress. Iyon ang suot ng batang babaeng nakita niya kasama ng kanyang ama noon bago siya naaksidente. Tumulo ang mga luha niya nang mapatitig siya sa mukha ng bata sa larawan. Stone. "Sigurado ka bang gusto mong puntahan pa natin si Stone?" tanong ni Oreo na siyang nagmamaneho ng kotse niya. Papunta sila sa condominium unit ni Stone. Si Snap din ang nagbigay sa kanila ng address ni Stone sa pamimilit na rin niya. Pinunasan niya ang mga luha niya. "Kailangan naming mag-usap." Bumuntong-hininga si Oreo at hindi na ito muling nagsalita kaya tahimik ang biyahe nila. Nagulat siya nang pagdating niya sa condominium building ay sinalubong agad sila ni Stone sa lobby. Pinanatili niyang kalmado ang sarili kahit ang totoo ay mabilis ang t***k ng puso niya. "Mukhang inaasahan mo na ang pagdating ko," kaswal na sabi niya. "Naitawag na ni Snap sa akin ang lahat bago pa kayo magkita," kaswal na sagot nito. Ah. Kung gano'n, may go signal naman pala ni Stone kaya ibinigay ni Snap ang mga impormasyon na iyon sa akin. Wala silang kibuan mula nang maglakad sila mula sa parking lot hanggang sa makarating sila sa unit nito. Pagbukas ni Stone ng pinto ng unit nito ay sumenyas ito na pumasok siya. Napaiyak agad siya nang makita ang family portrait na nakasabit sa dingding. Ang naroon ay si Stone, ang mommy nito, at ang papa niya. "Kung gano'n, totoo nga talaga." She turned to Stone with accusation in her eyes. "Ikaw ang anak ng babaeng umagaw sa papa ko mula sa mama ko. You're the child who stole my father!" Gumuhit ang guilt sa mukha ni Stone. "I'm sorry, Kisa. I'm sorry. Hindi namin ginusto ng mommy ko na makasira ng pamilya." "Alam mo bang gabi-gabing umiiyak ang mama ko dahil inagaw ng mommy mo ang papa ko?" galit na sigaw niya, kasabay ng mas mabilis na pagtulo ng mga luha niya. "Alam mo ba kung gaano kasakit na ikaw na hindi naman kadugo ng papa ko ang pinili niyang maging anak kaysa sa akin? Mas mahal ka niya at ang magaling niyang kabit kaysa sa amin ng mama ko!" Nagtagis ang mga bagang ni Stone. "Puwede mo akong insultuhin, Kisa. Pero please lang, huwag mo nang idamay ang mommy ko." "Sorry, ha? Nakalimutan ko. Hindi na nga pala kabit ang mommy mo dahil pinakasalan na siya ng papa ko," sarkastikong sabi niya. "Kisa—" Itinaas niya ang kanyang kamay upang pigilan ito sa pagsasalita. Pagkatapos ay itinuro niya rito ang peklat sa kanyang mukha. "Nakikita mo 'to? This ugly scar on my face is a reminder of the pain you gave me, of my father's betrayal." Hinintay niyang sumagot si Stone. Pero nanatili itong nakatitig lang sa kanya. Punong-puno ng sakit, kalungkutan, at pagsisisi ang mga mata nito. At sa pagkagulat niya, bigla na lang tumulo ang mga luha nito. Bigla siyang kumalma nang makita ito na umiiyak. He was crying in front of her, in front of Oreo who was a stranger to him. He looked so vulnerable. And her heart almost went out to him. Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil biglang natunaw ang galit niya rito. Ang gusto na lang niyang gawin ngayon ay yakapin ito at tuyuin ang mga luha nito. Only now did she realize that no matter how much she wanted to hate him, she still didn't want to see him hurt. And it was all because she still loved him. So much that it hurt. "Anak, bakit nakabukas ang pinto ng unit mo?" Sabay-sabay silang napalingon nina Stone at Oreo sa nagsalita. Lalong bumigat ang kalooban niya nang makita ang kanyang ama. Her father looked shocked upon seeing her. Nabitawan pa nito ang hawak na grocery bags. "Let's go, Oreo," yaya niya. Tinangka niyang lagpasan ang ang kanyang ama pero hinawakan siya nito sa braso. Tiningnan niya ito nang masama. "Bitawan mo 'ko." Lumambot ang anyo ng kanyang ama. Parang hindi rin nito alintana ang masamang tingin na ipinupukol niya rito. "Kisa, anak..." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat habang pinagmamasdan ang mukha niya. Puno ng pagmamahal at pangungulila ang mga mata nito. "I missed you, anak!" Niyakap siya nito nang mahigpit. "Patawarin mo 'ko, anak. Pero maniwala ka, mahal kita. Mahal na mahal kita. Walang araw na hindi ako nangulila sa 'yo. Walang araw na hindi kita naisip." Sumakit ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil na umiyak uli. Sa totoo lang, gustong-gusto niya ang mga naririnig niya. Nangulila rin kasi siya sa ama at alam niyang sa kaibuturan ng kanyang puso, mas matimbang pa rin ang pagmamahal niya rito kaysa sa galit, lalo na at alam niyang pinilit nitong makipag-ayos sa kanya sa mga nakalipas na taon. Iyon nga lang, kapag naaalala niya ang kanyang ina ay bumabalik ang matinding sakit. Her father had betrayed them. Itinulak niya ito. "Bitawan mo ako. Hindi mo na ako, anak. Si Stone ang pinili mo, 'di ba? Puwes, magsama kayo!" Pagkasabi niyon ay patakbo siyang lumabas ng unit. Alam niyang kasunod lang niya sina Oreo at Stone. Akmang sasakay na siya sa kotse nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. "Kisa, please. Don't leave," pagmamakaawa ni Stone. Muli na namang pumatak ang mga luha niya. "Let me go, Stone!" Pero lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Hindi mo man lang ba pakikinggan ang paliwanag namin?" Pumihit siya paharap dito, pagkatapos ay buong lakas na itinulak ito. "'Di ba, ito naman ang gusto mo? Wala nang Kisa na hahabol-habol sa 'yo. At hindi mo na rin ako kailangang protektahan dahil kung meron mang mananakit sa akin, alam natin na ikaw 'yon. And you know what? Tuwing tumitingin ako sa 'yo ngayon, wala akong ibang nakikita kundi ang mukha ng bata na umagaw sa papa ko!" Yumuko ito. Mayamaya pa ay nakita niyang yumuyugyog ang mga balikat nito. Awtomatikong napahakbang siya palapit dito. Natigilan lang siya nang hawakan siya ni Oreo sa braso. Nagising siya. Hindi siya dapat magpadala sa pag-iyak ni Stone. Hinayaan niya si Oreo na pasakayin siya sa kotse. Isinara nito ang pinto at lumigid sa kabila para makapuwesto ito sa driver's seat. Napaiyak na naman siya habang pinagmamasdan si Stone mula sa saradong bintana ng kotse. Parang naging bato ito dahil hindi ito kumikilos sa kinatatayuan nito. I love you, Stone. I still do, but it hurts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD