“KAILAN uli bibisita si Astrid sa atin?” Pinigilan ni Andres ang mapangiti sa pasimpleng tanong ng kanyang ina na si Martinna habang nag-aalmusal siya. Kulang ang sabihin na kinagigiliwan nito si Dr. Astrid Mendoza. His mother totally and absolutely loved his best friend. Gusto nitong maging daughter-in-law si Astrid. Marami ang hindi gaanong naniniwala na magkaibigan lang sina Andres at Astrid. Madalas itanong ni Jem, ang matalik na kaibigan ni Andres mula pagkabata, kung ano ang problema at hindi niya ligawan ang kaibigan. Natatakot daw ba siya na masira ang kanilang pagkakaibigan? Madalas na natatawa na lang siya, pero may mga pagkakataon din naman sa nakaraan na seryoso niyang pinag-isipan kung bakit nga ba hindi. Bakit hindi nila subukan ni Astrid ang isang romantic relationship? Th

