29

1358 Words

HINDI maipaliwanag ni Andres ang nararamdamang kaba. Nararamdaman niya na may hindi magandang nangyayari kay Alana pero hindi niya masabi kung saan ang pinagmulan ng pakiramdam na iyon. Wala siyang kongkretong pruweba na may panganib para sa dalaga maliban sa hindi siya sinipot sa doctor’s appointment. Nang makatanggap siya ng tawag tungkol sa p*******t ng ulo nito, kaagad niyang pinapunta ang dalaga sa ospital para masuri. Nagpa-book na siya ng MRI. Hindi si Alana ang nahuhuli sa appointment o anumang usapan. Alam din niyang seryoso ang nararamdaman nito kung hindi na nito napigilan ang pagtawag sa ospital. She should be in the hospital hours ago. Sinubukan ni Andres na tumawag sa bahay ng mga Tolentino at sinabi ng isang Nanay Delia na ilang oras na mula nang makaalis si Alana kasama si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD