HINAWAKAN ni Andres ang kamay ni Alana at hinila papunta sa likod ng bahay. Kaagad ding mapapansin na madalas na nagagamit ang bahaging iyon na may malalagong puno. Hindi gaanong malapit sa bahay. May dalawang picnic tables at chairs. Mayroon ding malaking grill. Matatanaw sa hindi kalayuan ang half basketball court. May bakod na naghihiwalay sa dalawang bahay pero bukas naman ang maliit na gate. Sa kabilang bahay lang ang bahay ni Tita Angela. Hinarap ni Alana si Andres, nginitian. “Thank you,” banayad niyang sabi. “For what?” “For sharing your family with me. They are wonderful.” Pinaupo siya ni Andres sa isang wooden swing na ipinasadya sa malaking sanga ng puno. Naaliw siya sa swing dahil iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya nang ganoon sa personal. “Hindi ko alam kung saan

