VICTORIA
Kasalukuyan akong nakatingin sa bintana ng biglang tumunog yung phone ko.
Pumunta ako sa side table ko at kinuha yung phone ko. Si yoona tumatawag.
"Hello?"
"Hello Friend, hindi ka ba magbabakasyon dito? I miss you na, kahit 6 months lang. Pag hindi ka nagbakasyon dito bahala ka. Magtatampo ako." Sabi nito.
Napailing na lang ako. "Okay sige. Pagpapaalam ako kay dad, pero hindi ako nangangako." Sabi ko.
"Yes! Sige aasahan ko yan. Hintayin kita na magtext." Sabi ko.
Ibinaba ko na yung tawag ako bumaba. Kailangan kong magpaalam kay dad, baka kasi hindi iyon pumayag nanaman pag tumakas ako.
Pagkababa ko nadatnan ko si mom na nakayakap kay dad. Umupo ako sa harapan nila.
"Dad?"
"Hmm?"
"Can i go back to the philippines?" Tanong ko.
Umalis ito sa pagkakayakap kay mommy. "For what? You have a lot of resposibility here in greece."
Huminga ako ng malalim. "I'm just need a vication dad. Masyado na akong nastress dito." Bugnot na sabi ko.
Kahit gumamit ako ng tagalog sakanya, naiintindihan naman dahil tinuruan ni mommy si dad kahit konti lang.
"You know that you're muli-millionaire's daughter, baka mapahamak ka. Nag-aalala lang naman ako sayo." Sabi nito.
"Hayaan mo na ang anak mo, honey. Malaki na ang anak mo, kaya niyang protektahan ang sarili niya." Singit ni mommy sa usapan namin.
"Honey, I'm just worried about our daughter." Pagdadahilan ni dad.
Tumingin ito sakin. "Okay, I'm giving you 1months for vication at pag hindi ka pa bumalik within 1 month, ipapahila kita sa mga tauhan ko. You know me a lot my daughter." Sabi nito.
Napahaba yung nguso ko dahil sa sinabi niya. "Dad naman, 1 month lang? Masyadong mabilis."
Umiling ito. "That's final. Take it or leave it?"
Huminga ako ng malalim bago tumango. "Now, go back to your room and pack your things." Sabi nito.
Tumayo na ako at umakyat papunta sa kwarto ko.
Kainis naman kasi, ang bilis ng 1 month na iyon para sakin, baka nga hindi pa ako magenjoy nyan ee.
Tinext ko na si yoona na pinayagan na ako ni dad na uuwi ako.
Naalala ko kasi nung nasobrahan ako ng pagbabakasyon yung tipong ayaw ko pang umuwi pero nagulat na lang non ako ng biglang dumating yung mga tauhan ni dad at sapilitan akong pinauwi dito sa greece.
Inayos ko na yung mga gamit ko at bumaba, dahal-dala yung gamit ko.
"Bye mom, dad. Alis na po ako." Pagpaalam ko.
"Ingat ka anak, you need anything just call me." Sabi ni mommy.
"Okay mom."
Tumingin ako kay dad. "We have a deal victoria, don't forget that. Pag wala ka pa dito within 1 month, alam mo ang mangyayare, and also your fiancé kailangan mong magpaalam sakanya." Sabi ni dad.
Napabugtong hininga ako dahil doon. "I will tell him after kong makauwi ng pilipinas." Sabi ko.
"Okay. Take care victoria." Sabi ni dad.
Humalik muna ako sa pisngi ni mom at dad bago lumabas. Pinagbuksan ako ng pintuan ni manong dong.
Habang nasa biyahe kami, tahimik lang akong nakatingin sa bintana hanggang sumagi sa isip ko yung motor ko.
"Manong, pwede po bang pakidala yung motor ko sa pilipinas?"
"Okay lang po sige, ipapasabi ko po sa nagbabantay ng motor niyo." Sabi nito.
"Salamat po manong." Sabi ko.
Ang bait talaga ni manong, buti dito siya nagtrabaho samin.
Pagkarating namin sa Airport kinuha ko na yung maleta ko at pumasok sa loob.
Ilan oras din ang hinintay ko bago nagbukas yung gate. Ilan oras pa bago ako makakarating sa pilipinas. Now, I need to rest.