CHAPTER 4

423 Words
Nahihilo ako habang nagmamaneho, naisipan ko kasi na pumunta sa Bar para makapag-aliw muna. Around 2 am na kaya walang masyadong dumadaan na sasakyan. Binilisan ko yung pagmamaneho para makauwi ako kaagad, pero sa pagliko ko. Namalayan ko na lang na tumilapon na ako sa daan. Napadaing ako sa sakit. Iminulat ko yung mata ko para makita kung anong nakabangga sakin. Isang SUV... Ang alam ko na lang nawalan na ako ng ulirat, na nakapalibot sa mga tao. JADEN Nagising na lang ako dahil sa nag-iingay na phone ko. Sinagot ko kahit hindi ko tinitignan yung register caller sa phone ko. "Hello, sino to?" "Doc. Walton? Si Nurse Sanny po ito. Emergency po ito, kailangan niyo pong pumunta dito sa Hospital. May nasagasaan po na babae, Doc." Napamulat ako at umupo, "Wala man lang ba na available na doctor dyan?" "Wala po, Doc. Dalian niyo po." Sabi nito bago ibinaba. Tumayo na ako, mabilis akong kumilos at nakaligo kaagad ako saka nagbihis. Tumakbo ako papalabas ng bahay at dumeretso sa parking lot. Mabilis kong nagmaneho, buti na lang walang masyadong dumadaan na sasakyan kaya nakarating kaagad ako sa Hospital. Dumeretso ako sa Nurse Station, "Sanny, nasaan yung naaksedente?" "Sumunod po kayo, Doc." Sabi niya, kaya sumunod ako. Nasa pintuan pa lang kami, naririnig ko na yung babae, familiar yung boses. "Huwag na nga, I can handle myself." Pagkapasok namin, nakita ko si Victoria na nakahiga sa Hospital Bed habang ginagamot siya. "Lumabas ang ibang mga nurse." Utos ko. Napatingin sakin si Victoria na nakaawang ang bibig. Lumabas naman yung ibang nurse, lumapit ako sa kinaroroonan ni Victoria. Gagamutin ko na sana siya pero pinigilan niya ako, "What?" "No need, I need to go home." Tumingin ako sakanya na napakaseryoso, "Do you want me to force you?" Seryosong tanong ko. Hindi ito sumagot, pero nagpupumilit siya na tumayo kaya sinenyasan ko yung ibang nurse na hawakan siya. "Ano ba, bitawan niyo ako!" Pagpupumiglas nito. "Huwag niyo siyang hahayaan." Sabi ko at iginamot yung mga natamong sugat sa ibang parte ng katawan niya. May napansin ako na namamaga sa kanang braso niya at hinawakan ko iyon, napadaing ito. Tumingin ako sakanya, "Mukhang may naapektuhan yung braso mo." "Pilay lang yan." Masungit na sabi niya. Hindi ko siya pinansin, tumingin ako sa ibang nurse na nakatingin lang, "Isemento niyo yung braso niya, mukhang naano yung fracture or much better go to ex-ray room, pag may naapekto sa kanang braso niya isemento kaagad at iplater niyo kaagad saka pasuotin ng sling clavicle." Utos ko bago sila iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD