CHAPTER 10

452 Words
Sumapit ang linggo ay dinala ako ni Jaden sa bahay niya. Napakaganda ng bahay niya, mas maganda pa yata sa bahay ko dito. "Ang ganda, akala ko nakatira ka sa parents mo." Mangha na saad ko. Natawa ito ng mahina. "Actually, nagsikap ako para makabili ng bahay para sa sarili ko. Hindi naman tayo lumabas ng village, don't worry." Napangiti ako. "Hanggang saan dito ang bahay ng parents mo?" Tanong ko. "Isang kanto lang ang pagitan, lahat naman ng walton dito nakatira. Dapat nga si Tita Hannah sa bahay ni Tito George nakatira pero naisipan nila na same village na lang kaya bumili din sila ng bahay dito." "Kaya naman pala. Hindi nagkakalayo ang bahay niyo dito." "Oo. Ganon talaga ang plano nila mommy la." Natatawang sabi niya. Hindi na ako nagsalita at napasandal na lang sa sofa. Siya naman ay tumabi sa akin. Hinila niya ako, nagulat na lang ako ng pinaunan niya ako sa hita niya. "Jaden.." "Umunan ka lang dyan. Take some rest, I'll order a pizza. Just wait." Sabi nito at sinuklayan ang buhok ko. Tumagilid ako ng higa. Ayoko kasing makipageye-contact sa kanya. Kinakabahan kasi ako sa kanya, ewan ko pero parang nakikita ko si Dad sakanya. The way he look at me. I don't know how to react or what. Baka kasi pag nakikita ko siyang nakatingin sa akin, may magawa akong hindi maganda lalo na sa oras na malaman ni Louie na may nangyari sa amin. "What are you thinking now?" Tanong nito. Tumingin ako sa kanya. "Hm... Nothing, Jaden." Sagot ko sakanya. Narinig ko na lang na may nagdoorbell. Umupo na ako. "Tignan mo baka yung pinaorder mo na yan." Sabi ko. Umalis na ito at ilan segundo lang ay bumalik na ito na may dalang isang kahon ng pizza. Umupo ulit ito sa harapan ko at binuksan yung box ng pizza. Kumuha na ako gamit ang isang kamay ko. Habang kumakain kami, binasag ko yung katahimikan. "Hanggang kailan to maalis sa braso ko?" Tanong ko. "Bukas pwede na, kaya sasamahan kita dahil ako yung nakaatasang noong naaksidente ka." Sabi nito. "Hindi ba pwede ngayon? Nahihirapan na ako ee." Pagdadahilan ko. Umiling ito. "Hindi, kailangan bukas." Pinal na sabi niya. Napabugtong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang kinakain ko. Nagulat na lang ako ng bigla itong lumapit siya sa akin. "Jaden.." "Why?" Painosente nitong tanong. "What are you doing?" Mahinang tanong ko. "I want to kiss you." Mahina din na sabi nito. Itinulak ko siya pero mahina lang. "Can I?" Tanong nito. Wala sa sariling napatango ako sa kanya. "You can." Sagot ko. Napapikit na lang ako ng maramdaman ko na lumapat na yung malambot na labi niya at tumugon sa halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD