VICTORIA
Napakurap ako at bigla na lang itinulak si Jaden, mabilis akong tumayo at nagmamadali na pumasok sa kwarto ko.
What did I do? Why I didn't stop him? I felt like I betray Louie for this.
Humiga na ako sa kama ko at pumukit, nahirapan pa ako dahil sa nakasemente yung isang braso ko.
***
4 days na yung lumipas mula ng hinalikan ako ni Jaden. Iniiwasan ko siya tuwing dinadalaw niya ako dito sa bahay.
Pagkababa ko ng hagdan nakita ko si Jaden na nakaupo sa may Sala area.
Bakit nga ba hindi na ako nagulat na nandito siya?
Tumingin ito sa gawi ko. "Hey, Good Morning." Bati nito.
Hindi ko pinansin yung pagbati niya. "What are you doing here?"
Napairap ito, "Do you remember, I will take care of you."
Lumapit ako sa kinaroroonan niya. "I can take care myself, Mister."
Tumayo ito at tinitigan ako. "I don't care. Tara pumunta na tayo sa kusina, may binili ako na makakain mo."
Hindi ko siya pinansin at umupo na lang. "Ayaw kong kumain." Masungit na sabi ko.
Ngumisi ito. "Really? Ayaw mong kumain? Gusto mong halikan ulit kita o kakain ka na kasama ako?"
Napalunok ako at napipilitan na tumayo. "Ito na nga sabi ko nga kakain tayo." Busangot na sabi ko bago naunang naglakad papuntang kusina.
Naririnig ko pa siyang tumatawa. "Kailangan pala takutin ka para kumain ka kasama ako."
Napairap na lang ako. Umupo na ako at umupo naman siya sa harapan ko, tahimik kaming kumakain.
Natapos kami na wala man nagsasalita samin dalawa.
Umalis na ako sa harapan ni Jaden at bumalik sa sala.
Umupo ulit ako, umupo naman siya sa tabi ko.
Tumingin ako sakanya. "Kailangan niyo balak alisin to sa braso ko?" Tanong ko.
"Next week monday." Sagot nito.
Tumango ako at sumandal na lang sa sofa. Lumapit ito lalo sakin.
Napatingin ako sakanya. "A–anong ginagawa mo?" Kinakabahan na tanong ko.
Tumingin ito sakin. "Nothing?" Patanong na sagot niya.
"L–lumayo ka nga sakin." Nautal na sabi ko.
Ngumisi ito sakin habang nakatingin pa din sa akin. "You scared? Aren't you?"
Nakipagtitigan din ako sakanya. "No. I'm not." Bulong na sagot ko.
"Oh, really?" Nakangising sabi niya at bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.
May kung anong nakita ako sakanya. 'Desire'
Lumunok ako at umiwas ng tingin pero nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa pisngi at marahas na hinalikan.
Hinawakan ko siya sa balikat at itinulak pero parang wala lang dahil hindi man siya natinag.
"Hmm." Ungol ko ng kagatin niya yung ibabang labi ko.
"Open your mouth." Bulong na sabi niya.
Parang nahihipnotismo na sumunod ako sakanya.
Alam ko na kasalanan to, pero paano ako makakatangi kung unti-unti akong nilalamon ng halik ni Jaden.