❝Mama, nandito na po ang tubig m-❞ Nabitin sa ere ang salita ko nang pagkapasok ng kwarto, bumungad sa akin ang ina na nasa sahig na at nahihirapang tumayo. "Mama!" agad kong itinabi ang hawak na baso at dinaluhan siya. "Mama! Bakit po kayo nahulog?" nag-aalalang usal ko at sinikap siyang patayuin ngunit masyado siyang mabigat. "Papa!" "Papa! Tulong! Si Mama nahulog sa kama!" panghihingi ko ng tulong. Muli kong sinubukang patayuin siya ngunit hindi ko talaga kaya. Umiling-iling siya. May kung ano siyang tinuturo sa ilalim ng kama at sinundan ko. Nakita ko ang litratong nakatiklob sa sahig. Sinikap ko itong abutin at tiningnan. Napatingin ako kay Mama. Maluha-luha na ang mata niya kaya nalungkot ako at niyakap siya ng mahigpit hawak ang litrato sa kanang kamay. "Hindi mo naman kail

