Kabanata 27

2172 Words

Sometimes you also need to look for the smallest thing to complete the biggest thing. Tinanggap ko na. Matagal ko nang tanggap na ang nangyari sa aming dalawa ni Linus ay parte na lamang nang nakaraan ko at hindi na maibabalik pa kahit anong hiling. Tanggap ko nang mananatili nalang itong bahagi ng mga ala-ala na araw-araw kong babalikan at mamahalin. Kase kung mas lalo kong iisipin, nasasaktan lang ako. Kase sobrang nakakahinayang. Sayang. Wala akong ibang masasabi kun'di sayang. Kung bakit nagtagpo kami sa maling panahon at maling pagkakataon hindi ko maintindihan. Kung bakit nagkatagpo kami kung saan kumplikado ang sitwasyon namin. Mahigpit kong niyakap ang hawak na bulaklak at nagawa pa itong langhapin ng ilang beses. Umihip ang malamig na hangin sa paligid at sinayaw ang buhok ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD