Chapter 10 Beatriz POV Pagbalik ko sa cubicle ko, siya naman lapit ng mga katrabaho ko. Nag-uusisa. “Ano nangyari? Bakit ka pinatawag ni sir?” “May ginawa ka ba?” “Sana all pinapatawag sa office!” Nagkumpulan sila sa harapan ng table ko. Hindi na ako nag-abalang sagutin sila. Ngumuso na lang ako at nag-umpisa nang magligpit ng gamit, na maling hakbang pa nga yata! Dahil doon, mas lalong naging mapag-usisa sila. Ang iba ay nagsimula nang magdrama. Lalo na si Kikay. “Wala. Pinagre-report lang nila ako sa kabilang site. Bukas na ako makakabalik dito.” Kinamot ko ang tuktok ng ilong ko. Isa-isang iun-plugged ang mga saksakan. “Iyon daw ang next project ko.” Pinilit ko maging normal sa kanila. “Akala ko pa naman sesante ka na.” Ngumiti ako ng tipid sa nagsabi nito. Nakalimutan ko ang na

