Chapter 48 Beatriz POV Bumabatik ang bawat patak ng ulan sa payong naming dala. Ang mga paggalaw ng mga puno’t halamang naglilikha ng isang tunog makakalikasan. Luntian na damo, mga bulaklak na nakasahod sa bawat patak ng ulan, tila masasaya dahil sa muli, sila’y gaganda at mag-uusbong ng panibagong sibol ng mga halaman. “He was my first love, my friend and my lover.” Ramdam ko ang saya at sakit sa mga lumabas sa kanyang bibig. “Nasa 2nd year college ako nang magkakilala kami. Masaya ang isang linggong bakasyon ko noon.” Sandaling katahimikan ang sumunod, inaalalang mabuti ang nakaraan. “Tandang-tanda ko pa noon, bumibili ako ng mga pasalubong at mga souvenirs nang may biglang tumabig sa iniinom ko. Ramdam ko ang pagkapahiya ko that time. Nabasa ang mukha ko, damit ko, ang mga pinamili

