Chapter 20 Beatriz POV Pabalibag kong hinagis ang bag ko sa malaking kama niya. Naiinis kasi ako! Kinakain ako ng inis ko magmula pa nang dumating kami galing sa Batangas. It’s been a week since then! Ngayon lang kami muling nagkita. Galing siya sa ibang bansa at ito, pinapanalangin ko na lang na hindi na lang sana siya umuwi pa. Naiinis talaga ako! Sa mga araw na iyon, wala akong balita sa kanya. Akala ko. . . . Ayos na ang lahat sa aming dalawa. I feel— betrayed. Nang mga time na iyon sa Batangas, may nag-iba sa aming dalawa. Akala ko magtutuloy-tuloy na. Like sinong hindi aasa na kahit pa-paano magle-level up ang relasyon namin? He took me multiple times doon. Cold siya but I also discover he is also sweet. At hindi ko alam kung bakit after noon, bumalik siya sa pagiging cold. We

