Chapter 30 Beatriz POV Busy ako sa ginagawa kong proposal nang may lumapit sa desk ko. Ngumiti ako nang hindi muna nagtataas ng tingin mula sa computer ko. Pinili kong tapusin muna ang pagta-type. Malapit na ako matapos, e! “Oh, Kuya?” Ibinaba ko ang suot na ear pods. Hindi naman ganoon katagal ang hinintay niya dahil si-naved ko na lang naman ito sa google drive ko para sure na may copy ako. Ilang beses na rin nangyari na nabura ang ginawa ko dito sa computer ng company. “Good Afternoon, Miss Salvador!” Magalang at masayahing bati ng lalaki. Sandali niyang tinignan ang hawak na papel. Siniguradong tama nga ang sinabi niyang pangalan. “Ako nga po!” excited na bati ko. May pagkain na naman ako! Simula nang nangyari sa opisina ni Kiel, lagi na siyang nagpapadala ng pagkain dito sa d

