Chapter 43 Tyler POV Maingay kong binitawan ang hawak na ballpen sa lamesa. Mas lalo akong nainis nang inumin ko ang kape, napakamot ako sa sintido ko. Malamig pa sa ilong ng pusa, ni hindi ko pa ito nabawasan. Pang ilang coffee ko na ba ito na nasayang? Mas lalong nakakainis na hindi man lang agad sinabi ni Madison na maagang umuwi si Beatriz. Anong i-update ko sa asawa niya? Sabi ng security tail niya, nasa penthouse na daw ito at may katagalan nang nandoon. Hindi ko ma-access ang code ng penthouse para makita sa CCTV kung nasaan na siya. Binago ni Kiel ‘nung nakaraan for privacy daw. Nagpalagay tapos ngayon sasabihin na for privacy nila? Tsk! Mamaya niyan, manghihingi siya ng update sa mahal niyang asawa, pagwala akong naibigay, kulang na lang sakalin niya ako sa matatalim niyang ti

