Chapter 3
Beatriz POV
Hila-hila ko ang dalawang maleta ko ng may dalawang security guard na huminto sa daraanan ko pagbukas ng lift. Kilala ko sila. Napataas ang kilay ko sa kanilang inakto. Ang mga kamay nila’y nasa kanilang harapan magkasalikop.
"Why?" masungit kong tanong sa kanila. Ano na naman ngayon? Aakusahan nila ako na magnanakaw? I know nakita nila ang ginawa ko sa taas kanina. Well, I don't care. I wanna go far away in this shitty hotel of them.
"Sir summoned us to take you to the airport, Miss." Walang reaction niyang sagot. Malamig sa malamig na panahon. Ganito sila, so professional. Wala kang makikitang reaksyon sa kanilang mga mukha. Straight lang silang nakatingin sa akin.
Take me to the airport? Hindi ko sila sinagot tinitigan ko lang ang mga reaction nila na wala akong makita. Taas-baba ang paghinga ko sa namumuong inis.
"Who's your sir?" padarag kong tanong. Parang tanga lang, kahit alam ko naman na ang sagot. Pero malay ko ba kung si tito iyon. May kaunti pang katiting na umaasa ang puso ko na baka nga siya ang nag-utos. Nag-aalala sa akin. Na para akong isang prinsesa na hatid sundo kung saan ko man naisin pumunta.
Pero pwede pa ba iyon? Nasa tabi na niya ang kapatid ko ngayon. Probably they were cuddling now, under the sheet or . . .
"Sir Charles, Miss." Tinaasan ko sila ng kilay. Tumikhim para maalis ang kabig sa dibdib ko.
Hindi ako pwede magpadala sa kanyang ka-sweet-an.
Wait? Ka-sweet-an nga ba?
"No, I can go there by myself. Just tell him, go to hell!" Pagalit akong lumabas hanggang sa malaking automatic glass door.
Marinig ko lang ang pangalan niya, pinaghalong sakit at galit na ang nararamdaman ko. Ano ito, gusto niya ako ipahatid para tuluyan nang mawala sa lugar na 'to? Tang ina niya! Gago siya!
Itinataas ko ang kamay ko para makaagaw pansin ng mga taxi. Nabubuwisit na ako. Wala kahit isang masakyan. Naiiyak ako sa inis. Ako lang ba ang malas sa mundo?
It's Christmas day. Busy ang lahat ng mga tao magsaya at matulog dahil sa puyat sa pag-ce-celebrate ng happiest holiday of the year kagabi.
Inis na hinawakan ko na lang ang dalawang maleta ko nang makitang nakatayo sa ‘di kalayuan ang mga ungas na ito. Hinila ko ang mga ito kahit na hirap na hirap ako. Ang bigat at nag-uumpugan sila sa likuran ko. Wala pa rin akong makuhang taxi. Ang mga dumadaan lang mga private cars. Dahil low battery ang phone ko hindi na rin ako maka-pagbook ng masasakyan.
No choice ako kung hindi magpalipas ng araw sa isang hotel or kung saan man. Bukas na lang ako pupunta sa airport. Sigurado naman din na walang flights ngayon papuntang Florida dahil sa holiday na ito.
Merry Christmas, Beatriz! This is the best and worst Christmas holiday for me. Worst kasi masakit at malungkot. Para akong tangang gumagala ng may mga mabibigat na dala sa gitna ng New York City. Napatingala ako sa langit, kasalakuyang bumubuhos ang snow sa kalangitan. Best, because before pa man ako maikasal sa lalaking 'yon alam ko nang ginago nila ako ng kapatid ko. Nilang lahat. Malaya pa rin ako, hindi naitali sa isang relasyon na balang araw pagsisihan ko.
And I promise, magiging masaya ako. Ako pa rin ito. Mawala man silang lahat. Hindi kawalan sa akin. I can live alone. I can be happier without them. I-I just missed mom. I know wala lang siyang magawa sa sitwasyon namin ngayon. And I hate her for that. Naging sunod-sunuran siya kay dad kasi mahal na mahal niya ito. Masisisi ko ba siya? Kung hindi naman sila nagkatuluyan, walang ako. Walang tangang naglalakad ng ganito na mukhang tanga sa ilalim ng snow at mag-isa.
Napalingon ako sa likod ko. Naghahanap kunwari ng masasakyan. Pero alam kong sinusundan ako ng itim na sasakyan sa likod ko. Hindi ito familiar sa 'kin, mabagal lang ang takbo niya. Parang sumasabay sa lakad ko, tinatantiya ang distansiya namin.
Nagkunwari akong hindi ko sila napansin. Pumasok ako sa isang bukas na shopping store. Pumasok ako nang tahimik. Kunwari may bibilhin. Sa lagay na 'to malalaman ko kung sino ang mga taong sumusunod sa akin. Nagpunta ako sa pinakadulo. Tinago ang maleta ko sa isang fitting room. Nakatanaw lang sa akin ang babaeng sales lady, nagtataka ang mga mata niya. Hinawakan niya ang telepono sa kanyang tabi. I scoffed. Mukha ba akong kawatan?
Hindi ko na lang siya pinansin, inayos ko na lang ng mabuti ang maleta ko.
Tinanaw ko sila mula sa bahagyang awang na pintuan. May dalawang lalaking pumasok. Mga naka-black suits sila. May mga earpods sila sa kanilang mga tenga.
Kumuha ako ng maliit na papel sa bag ko, sinulat doon na babalikan ko ang mga gamit ko bago idinikit ito sa isang maleta ko. Lumabas ako sa kabilang door sa may exit. Sinamantalang nag-iikot sila sa loob. Mabilis akong naglakad palayo, babalikan ko na lang mamaya ang mga gamit ko kailangan ko muna makahanap ng mapupuntahan. Somewhere na hindi nila malalaman.
Pumasok ako sa isang motel, napa-takip ako ng ilong sa naamoy na usok ng sigarilyo sa loob ng lugar na ito. May dalawang lalaki doon na nakaupo sa sofa, hawak nila sa kanilang kamay ang umuusok na sigarilyo. Hindi ba nila alam na bawal manigarilyo sa loob ng isang establishment? Napatingala ako sa smoke detector sa taas. Meron naman. Sabagay, isa 'tong motel. So, dirty and old. Sa itsura pa lang alam mo ng ‘di sumunod sa rules ng building law. Marahil sira din iyon at pinaka-display lang.
May babaeng tattoo-an na lumabas sa lift. She's wearing a long jacket. May tattoo siya sa kanyang leeg. Hindi ako sigurado kung buong katawan pero sure na 'yon base sa style ng pananamit niya. Maikli ang buhok niya at may piercing sa ilong, sa ibabang labi at maski sa isang kilay nito. Paika-ika siyang naglakad papunta sa dalawang lalaki. Agad tumayo ang isa at inakbayan siya. Naglakad silang tatlo palabas ng motel na ito habang kahalikan ang isa pang lalaki. Labas ang mga dila nila’t ang isa naman ay na iiling na hinithit ang kanya sigarilyo bago iyon itapon sa basurahan.
Napangiwi ako sa kanila. Parang nakulangan pa yata sila sa loob. Napaiwas ako nang tingin. Kailangan ba may dila talaga? Hay, mundo nga naman! Gumilid ko para makadaan sila palabas. Humagikgik ang babae ng makita ang reaksyon kong diring-diri at hiyang-hiya sa kanilang ginagawa.
"Yes, Miss? Merry Christmas!" magalang na bati sa akin ng isang matandang babaeng nasa frontdesk.
"Hi! Can I rent a room for a few hours? Just badly needed a stay to rest." alanganing saad ko sa babae. Tama ba ang ginawa ko? Hindi ko pa na try mag-hotel mag-isa. Mas lalong hindi ako sanay pumasok sa ganitong lugar. . . motel. Pag may bakasyon kami, naka-booked na ang mga rooms namin. Nakakapag-alangan tuloy magsabi sa babaeng 'to.
"Okay! For how many hours? Do you have an Id?" saad niya habang may tina-type sa kanyang computer.
Oh, 'yon lang. Akala ko hindi na kailangan ng ID dahil motel lang naman ito.
Inabot ko pa rin sa kanya kahit nag-aalangan ako. Kasabay kong inabot ang cash na pera. I doubled the amounts just to keep my identity if someone will look for me. Na sana wala. Tumango siya’t sinigurado na safe ang stay ko dito.
Binigyan niya ako ng susi. Sinamahan ako hanggang sa kwartong inupahan ko. Binigay niya sa akin ang dalawang tuwalyang over-used na ang itsura. May dalawang maliit na sabon and toothbrush with a sachet of toothpaste sa ibabaw nito. Bakit dalawa? Pinagkibit balikat ko na lang iyon at nagpasalamat sa kanya. Sinara ko na ang pinto paglabas niya. I locked it. Siniguro ko iyon. Humarap ako sa kamang naroroon sa pinakagitnang bahagi.
Oh, what now? What will I do next?
Alanganin akong umupo sa kama. Nandidiri. Kulay puti ang kobre nito, maayos naman at walang gusot. Tsk! Naramdaman ko na rin na nagugutom na ako. I doubt na may pagkain sila dito na pwedeng ordirin.
Inabot ko ang teleponong nakasabit sa kulay cream na pader. I pressed the call button. Nag-order ako sa isang restaurant na nakalagay sa list na pwedeng tawagan. Maghihintay pa ako ng kalahating oras bago ito dumating. Mabuti na lang may kaunting cash na ako dito. Hindi ko na kailangan pang gumamit ng card ko.
Naalala ko ang mga gamit ko, kamusta kaya 'yon d’on? Hindi ko na matandaan ang name ng store kanina. Mamaya after ko kumain dadaanan ko 'yon sabay lipat ng ibang hotel. Hindi ako makakatulog sa ganitong klaseng lugar. Amoy Clorox.
Kinausap ko ang babae sa cashier ng store. Mabuti na lang walang costumer na pumasok dito mula kanina. Kaya nakuha ko ang mga gamit ko ng walang kahirap-hirap. Nag-booked na rin ako sa isang maayos-ayos na hotel malapit sa airport.
Naiiyak akong umupo sa malamig na tiles ng shower room, I hugged my knees. Umaagos ang luha ko kasabay ng mainit na tubig. I feel alone. Bumabalik ang mga sandaling 'yon sa akin.
Humagulgol ako. Kung kanina, na kaya ko pang tiisin ang mga luha ko, ngayon na mag-isa na lang ako sa tahimik na lugar na ito. Ang sakit. Ang lungkot. Sobrang sakit.
Ilang oras ako nagbabad sa ilalim ng tubig. Nagpasyang magpahinga na para bukas maka-alis na agad. Kailangan mas maaga. Mas maganda.
I charged my phone after ko magbihis. Tinignan ko ang natitirang pera sa pitaka ko. Sapat na pero hindi magtatagal. Kailangan ko mag-withdraw agad, knowing dad alam kong ipapa-freeze niya lahat ng accounts ko. Ganoon naman ang parusa niya sa amin tuwing nilalabag namin ang mga gusto niya.
Pero pwede din na hindi na, bakit pa siya mag-aaksaya ng panahon sa akin? Sino ba ako sa kanila? Pero para sure. Maglalabas ako bukas na bukas din. May secret funds naman ako na hindi niya alam. Ginawan kami ni mommy noong mga bata pa lang kami. And now, nasa legal age na ako pwede ko na itong galawin sa kahit na anong paraang gustuhin ko.
Si mommy, ano kaya ginagawa niya ngayon? Nami-missed ko na ang mga yakap niya. Ang pag-su-suklay niya sa buhok ko bago ako matulog.
May ginawa kaya siya kagabi nang mangyari iyon? Nagalit kaya siya kay Bella? O, masaya din siya kasi mag-kaka-apo na siya sa panganay niyang anak.
Paano naman ako?