Chapter 39 Beatriz POV Malapit na kami sa company nang tawagin ko ang isa sa kanila. Halatang ayaw nila ang iniutos ko. Kahit na anong sabihin ko, ayaw nila akong pakinggan. s**t. “Ma’am, hindi po talaga pwede.” saad ng isa. Nagtinginan silang dalawa. Namumuo ang galit ko sa dibdib. “Bakit bawal? May bibisitahin lang naman ako doon.” Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila akong dalhin sa hospital. Kahit ano naman na gustuhin ko sinusunod nila. Bakit ngayon parang may iba? Madalas ko rin napapansin ang pagsulyap nila sa akin mula sa rear view mirror ng sasakyan. “Ang bilin po kasi ni sir, ihatid na po namin kayo sa company.” “Ang lapit lang naman ng hospital. Sandali lang naman ako doon.” Padabog akong sumandal sa leather na upuan. Naiinis na kinuha ko ang cellphone sa tabi ko.

