Nang lumabas ako ng dressing room, it was the last minutes of the concert. Nagsasalita sa stage si Zero hyping the crowd up further. I decided to watch them na since magkakasama na kami sa iisang bus. Also, Gibson told me na hintayin ko sila bago bumalik doon. Their manager left already, kaya ako na talaga ang bahala sa mga lalakeng ito. Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa aking kapatid dahil ginawa niya akong babysitter. Isa pa, this will be dangerous for me! I have a huge crush on those four men, nabawasan kay Zero dahil sa attitude nito. Natigilan ako nang marinig ko ang opening nang sunod na song. It was Emergence na sinabi ko sa tatlo na favorite ko. Nang magsimulang kumanta si Zero, a chill went through my body. Tumingin ako sa likod kung saan nakita ko si Koa beating his drums in

