ANG saya nina Krioz at Draz. Palagi kasi silang tumatawa at hindi ko alam kung bakit. Sila lang naman ang nagkakaintindihan sa mga pinagsasabi nila. Sumimangot ang mukha ni Narioz at tumingin sa akin. "Hindi naman ako pangit." 'Sabi mo kanina para siyang anghel na nahulog sa lupa?' bulong ng konsensiya ko. Wow! At kailan pa ako nagkaroon ng konsensiya sa pagiging pangit ni Narioz? "Ikaw pa nga ang nagsabi na mag-ayos ako dahil may hitsura ako," malungkot niyang sabi. "Hindi bagay sa'yo maging overacting," pailing-iling na sabi ko. "Pinapatawag tayo ng Headmaster," biglang sabi ni Mysia. Napatingin naman kaming lahat sa gawi niya at naging seryoso bigla ang mga aura nilang lahat. Big deal? Saka sinong kinakausap niya? Sila siguro.

