“Here. Look at the pieces she’s wearing now… these are just actual samples of the products that we will be making,” muli ay paliwanag ni Alice. Kita kong ngumiti, tumango-tango at nagkatinginan pa ang mga nakikinig. Base sa reaksyon nila ay mukhang nagugustuhan naman nila ang mga suot ko. “She’s very pretty… is she a model?” tanong ng isa kaya napanganga ako at umiling. Ngunit si Alice ay mahinang tumawa at sumulyap pa nga kay Christian na ngayon ay bahagya ring nakangiti. “No. She’s not a model. She is our CEO’s personal assistant.” “Well, this only made me love the future products even more. Even a simple assistant could look that elegant with their pieces!” komento pa ng isa. Muling nagsalubong ang tingin nina Alice at Christian. Mukhang maganda naman ang kinalalabasan ng meeting

