Nang sumunod na araw ay gumising akong mabigat ang ang pakiramdam, masakit ang buong katawan ko at mainit ang singaw ng mga mata. Maging ang hininga ko ay mainit din at nanunuyo ang mga lalamunan ko. Nang subukan ko namang bumangon ay nahilo ako kaya muli akong nahiga. Muli ko sanang susubukang bumangon nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at pumasok doon ang nag-aalalang si Tita Laila. Pero mas nag-alala ako kasi hindi pa siya dapat gaanong naggagagalaw dahil hindi pa siya lubusang magaling. “Hija, nilalagnat ka buong magdamag. Ano ba ang ginawa mo sa trabaho at nilagnat ka nang ganiyan kalala?” marahang tanong niya. Naupo siya sa gilid ng kama ko. “Medyo marami lang pong trabaho maghapon at nabigla yata ang katawan ko. Kailangan ko na pong maligo para pumasok at–” “Naku, hi

