Third Person POV One Month Ago… “Sino ka? At ano ang kailangan mo?” medyo may pag-aalinlangang tanong ni Tristan kay Dinah. Ngumisi naman ito sa kaniya. “Maupo ka, mayroon lang tayong kailangang pag-usapan,” utos naman nito sa kaniya. medyo naiirita si Tristan sa pagkadominante ni Dinah pero curious siya sa kung ano’ng sasabihin nito. “Kung ano man iyang sasabihin mo, sabihin mo na at marami pa akong gagawin,” halos paasik na sambit ni Tristan kay Dinah. “I am Dinah Elizondo, Christian’s girlfriend!” malakas ang loob at kumpiyansang pakilala ni Dinah sa sarili. Kumibot naman ang kilay ni Tristan at bahagyang napangiti. “Okay, so ano’ng kailangan mo sa akin?” tinanggap ni Tristan ang kamay niya ngunit mabilis ding bumitiw si Dinah at agad gumamit ng sanitizer. Nanunuyang tumawa na lan

