Zairah’s POV “Zairah, ano’ng nangyayari sa ‘yo? Namumutla ka na?” muli ay puno ng pag-aalalang tanong ni Tristan. Ngunit hindi na talaga ako makapagsalita sa sobrang sakit. Pinagpapawisan na ako nang malapot at mas bumibigat na ang paghinga ko. Hindi na nag-atubili pa si Tristan at binuhat na ako. Naririnig ko rin ang mga nag-aalalang bulung-bulungan at komento sa palagid. “Dadalhin na kita sa ospital.” Bumaling siya sa isang waiter. “Babalik ako para bayaran ang bill namin,” nagmamadaling sabi niya rito. Hindi ko na narinig pa kung sumagot ba iyong kinausap niya o ano. Pagdating sa ospital, tila naging malabo ang lahat sa akin. Ang paningin ko, ang pandinig ko at maging ang pakiramdam ko. Nakatuon lang ang pansin ko sa matinding sakit ng tiyan at puson ko. Sumasabay na rin ang balakang

