Chapter 1 Horrible Past

4671 Words
Ten years ago… “Zairah? Zairah? Nasaan na ang mabait na batang si Zairah?” narinig kong tawag sa akin ni Uncle Sherwin. Siya ang bagong asawa ni Tita Laila at hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang makipaglaro sa akin. Hindi ako komportable sa kaniya kahit mabait siya sa akin at palaging nakangiti. Pakiramdam ko kasi ay may mga pagkakataong kakaiba ang mga tingin niya sa akin. Dalawang taon na ang nakalilipas nang mamatay ang mga magulang ko nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila pauwi dito sa Pilipinas. Pareho silang OFW noon at sabay silang magbabakasyon sana dito para sa bagong taon. Tinakpan ko ang bibig at nagsumiksik lalo sa sulok nitong ilalim ng kama. ang pinakaayaw kong ginagawa ni Tito Sherwin ay kinakandong niya ako. Pagkatapos ay gusto pa niyang siya ang magpaligo sa akin, samantalang kaya ko naman nang maligong mag-isa. “Zairah… Zairah, nasaan ka? Bili tayo ng ice cream, gusto mo?” narinig ko pa ang malambing na pagtawag niya. Pero nanatili ako sa puwesto ko at sinisikap na hindi makalikha ng anumang ingay. “Nasaan kaya ang lintek na batang iyon?” maya-maya ay galit na niyang asik. Napalunok ako dahil takot ako kapag nagagalit si Tito Sherwin. Hindi pa naman niya ako nasaktan, pero ilang beses ko nang nakitang pinagbuhatan niya ng kamay si Tita Laila. Nang hindi niya talaga ako matagpuan sa loob ng bahay ay lumabas siya at doon ako hinanap. Hanggang magdapit-hapon ay hindi ako lumabas sa pinagtataguan ko. Nakatulog na nga ako roon at nagising lang dahil sa kalam ng sikmura ko at malakas na pagtawag sa akin ni Tita Laila. Dahil naririto na siya ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. “Tita, nandito po ako!” sagot ko sa pagtawag niya. “Lumabas ka na rito at maghugas ka na ng kamay. Maaga tayong kakain ngayon at may burol kaming pupuntahan ng Tito Sherwin mo,” utos niya sa akin. Napangiti naman ako. Ibig sabihin ay wala sila mamaya. Makakapanood ako ng TV hangga’t gusto ko. “Palabas na po, Tita!” magalang ko namang sagot. Si Tita Laila ang bunso sa magkakapatid sa side ni Mama. Siya ang kumupkop sa akin dahil wala naman siyang anak. Sa side naman kasi ni Papa ay mahirap ang buhay nila sa Bicol. Kaya magiging pasanin lang din nila ako. At least, mas magaan nang kaunti ang buhay ni Tita Laila dahil nagtatrabaho ito sa isang kumpanya bilang janitress. “O? Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap, ah!” paasik na sita sa akin ni Tito Sherwin. Bumuntong-hininga ako at naupo sa puwesto ko. “Nakatulog po ako, Tito,” walang ganang sagot ko. Kumunot naman ang noo nito at halatang nadagdagan yata ang galit niya. “Nakatulog saan? Hinalughog ko na ang buong bahay hindi naman kita nakita!” paninita pa niya. “Love, hayaan mo na iyong bata. Kumain na tayo,” banayad na awat naman ni Tita sa kaniya. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya nagpatuloy pa at kumain na kami ng hapunan. Pagkatapos ng hapunan ay ako na ang naghugas ng pinggan. Simula nang matira ako rito kay Tita ay ginagawa ko ang lahat ng gawaing bahay na kaya kong gawin para hindi ako maging pabigat sa kaniya. “Bakit ba ang kulit mo? Sabi ko na ngang ayaw kong sumama, eh! Kaibigan mo iyong namatayan, bakit kailangan mo pa akong isama? Ano’ng gagawin ko roon?!” Narinig ko ang malakas na singhal ni Tito Sherwin. Muntik ko pa ngang mabitiwan ang binabanlawan kong baso dahil sa gulat. “Siyempre, gagabihin ako roon… hindi naman ako marunong mag-motor, kaya ihatid mo ako,” pakiusap naman ni Tita. Muli naman akong nagbuga ng hangin at napapailing. Kapag ganito na naman ang eksena at hindi pa magbigay si Tita Laila, siguradong gigising na naman siyang may pasa o blackeye bukas. “Masama ang pakiramdam ko! Kung gusto mong pumunta, pumunta kang mag-isa. Huwag mo akong idamay diyan!” pinal na saad ni Tito Sherwin. Nakiusap pa si Tita pero gaya nga ng inaasahan, ang pagtatalo nila ay nauwi lang din sa sakitan. Hanggang sa matapos akong maghugas at makapag-toothbrush na ay dinig ko pa rin ang mga hikbi ni Tita. Si Tito naman ay lumabas. Masama daw ang pakiramdam, pero siguradong sa inuman din naman ang tuloy no’n. Kaya naman kahit may pag-aatubili ay pinuntahan ko si Tita sa kuwarto nila ni Tito. “Tita…” mahina at medyo minamalat na tawag ko rito. Nakaupo ito sa gilid ng kama at umiiyak. “Matulog ka na! Maaga pa ang pasok mo bukas!” taboy niya sa akin. Natigilan ako at nais sanang sundin ang utos niya. Kaya lang ay naaawa ako sa kaniya kaya pumasok pa rin ako at tumabi sa kaniya. “Tita… bakit po kayo pumapayag na saktan kayo ni Tito? Bakit hindi ni’yo na lang po siya iwan?” inosenteng tanong ko. Putok ang mga labi ni Tita at mapulang-mapula ang kaliwang pisngi. Mukhang sinampal ito nang malakas ni Tito Sherwin. “Kasalanan ko naman, eh. Dapat kasi hindi ko na lang siya kinulit pa. Eh, di hindi sana nangyari ito,” sagot naman niya. Sa mura kong edad ay hindi ko nauunawaan ang ibig niyang sabihin. Basta ang alam ko, hindi dapat ganito tinatrato ni Tito Sherwin si Tita Laila. “Bakit po si Papa noon, hindi naman po niya sinasaktan si Mama? Kapag mag-aaway po sila, hindi magtatagal ay magbabati din po,” paliwanag ko naman. Tinitigan ako ni Tita at malungkot na ngumiti. “Mahal ko ang Tito Sherwin mo. Alam ko namang mahal din niya ako. Minsan lang siguro dahil sa dami ng ginagawa ko ay hindi ko na siya gaanong naasikaso kaya nagtatampo,” giit pa ni Tita. Hindi ako nakasagot kasi hindi ko rin naintindihan ang ibig sabihin ng sinabi niya. “Hindi po ba Tita kapag mahal mo, hindi mo po dapat sasaktan? Ganoon iyong napanood ko sa isang palabas, eh,” katuwiran ko pa. Pilit na ngumiti si Tita Laila at hinaplos pa ang pisngi ko. “Napakabait mong bata. Kaya mag-aral kang mabuti, okay? Para makahanap ka ng lalaking magmamahal sa iyo at hindi ka sasaktan.” “Tita, may trabaho naman po kayo, umalis na lang po tayo dito…” maya-maya ay pakiusap ko. Biglang-bigla ay parang gusto kong magsumbong sa kaniya ng takot ko kay Tito Sherwin. Pero nagbago ang isip ko nang biglang lumungkot nang husto ang mukha niya saka umiling. “Wala tayong matutuluyan, Zairah. Kapag uupa naman tayo, hindi na kita mapag-aaral pa. Alam mo namang sakto lang ang kinikita ko, hindi ba? At least kapag nandito tayo, may bahay tayo. May kahati ako sa gastusin sa bahay kasi nandiyan ang Tito Sherwin mo,” banayad na paliwanag niya. “Pero kasi… lagi po niya kayong sinasaktan. Ayaw ko pong nakikita kayong nasasaktan, Tita…” naiiyak kong sambit. Wala na akong pamilya maliban sa kaniya, kaya siya na ang itinuturing kong ina. “Huwag mo akong alalahanin, Zairah. Basta’t mag-aral kang mabuti para magkaroon ka ng maayos na kinabukasan, okay? Sige na, matulog ka na,” muli ay udyok niya sa akin. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang sundin siya. Ayaw ko na kasing makadagdag pa sa iisipin niya. Habang tumatagal, kahit mabait sa akin si Tito Sherwin, hindi ko maiwasan ang magtanim ng galit sa kaniya. Napakabait ni Tita para saktan niya nang gano’n. Si Tito Sherwin ay pahinante ng palay kaya minsan ay nasa biyahe siya. Kapag wala siya sa bahay ay masayang-masaya ako kasi hindi ko kailangang mailang. Kapag naririto kasi siya ay madalas niya akong pinagmamasdan at hindi ko alam ang dahilan. Lumipas ang dalawang linggo na wala si Tito Sherwin kaya tahimik at masaya ang buhay namin ni Tita. Magaling na rin ang pasa niya sa mukha. Kinagabihan nang sumunod na araw ay dumating na si Tito Sherwin. Pinaghandaan iyon ni Tita Laila at hindi ko alam kung bakit. Maaga kaming kumain at maaga din niya akong pinatulog. Sabi niya ay siguradong may pasalubong daw ako galing kay Tito kapag dumating ito. Pero hindi naman ako interesado. Mag-a-alas otso ng gabi nang dumating si Tito Sherwin. “Nasaan si Zairah? Marami akong pasalubong para sa kaniya!” Narinig ko ang paghahanap niya sa akin. Pero alam kong sumalubong na sa kaniya si Tita. “Tulog na ang bata kanina pa. Bukas mo na lang kausapin,” malambing na sagot naman ni Tita. “Bakit ang aga mong pinatulog? Dapat mamaya pa sana! Hindi mo ba sinabing darating ako?” angil ni Tito kay Tita. Napalunok naman ako at kinabahan. Pagkatapos ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng maliit na kuwartong kinaroroonan ko. Mabilis akong pumikit at nagkunwaring tulog. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa may pintuan. “O, ‘di ba? Tulog na… bukas mo na ipakita ang mga pasalubong mo,” muli ay narinig ko ang boses ni Tita Laila. “Buwiset!” padarag na isinara ni Tito Sherwin ang pintuan at umalis na. Maliit lang ang bahay na ito kaya dinig na dinig ko ang kuwentuhan nilang dalawa. Nagbibida si Tito Sherwin na malaki raw ang kinita niya ngayon. Nag-inuman silang dalawa ni Tita base sa tunog ng mga bote at baso. Hanggang sa maya-maya ay napadilat ako nang marinig ko ang tila kinakabahang halinghing ni Tita Laila. Natakot ako kasi baka sinasaktan na naman siya ni Tito pero hindi naman kasi parang umuungol lang din si Tito. Dahil sa matinding pagtataka ay bumangon ako at sumilip sa maliit na awang ng kuwarto ko. Pero wala naman sila sa sala. Dahan-dahan kong ibinukas ang pintuan ko at maingat na lumabas. “Ay… teka, Sherwin… ahhh…” narinig ko na naman si Tita. Hindi ko mawari kung nasasaktan ba siya o ano. Kaya naman nang makita kong nakabukas ang pintuan ng kuwarto nila ay sumilip ako sa maliit na siwang. Doon ay kitang-kita ko si Tito Sherwin na nakahiga at nasa ibabaw niya si Tita Laila. Pareho silang walang damit habang tila sumasayaw si Tita sa ibabaw ni Tito. Nakatingala habang nakapikit. Ganoon din si Tito na nakahawak naman sa baywang ni Tita. “Sige, bilisan mo pa… s**t! Ang sarap… ahhh…” utos ni Tito Sherwin kay Tita Laila. Binilisan naman ni Tita ang pag-atras-abante sa ibabaw ni Tito, tapos sabay silang umuungol sa hindi ko malamang dahilan. Sa takot ko na mahuli nila ako ay dahan-dahan akong umatras at bumalik sa kuwarto ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa nila. Parang nasasaktan si Tita pero hindi naman. Nagbuga na lamang ako ng hangin at pinilit ang sarili na matulog. Kinaumagahan ay tahimik ang buong bahay. Mukhang tulog pa pareho sina Tito at Tita. Nahihiya naman akong istorbohin sila dahil baka napagod sila sa ginawa nila kagabi. Kaya pumasok ako sa school na hindi nag-almusal at walang baon. Mabuti na lang at nilalakad lang ang school mula sa tinitirhan namin. Kaya bandang mananghali ay gutom na gutom na ako at nahihilo. Mabuti na lang at dinalhan ako ni Tita ng baon. “Naku, Zairah, pasensiya ka na kung hindi kita naasikaso kaninang umaga ha? Humirit pa kasi sa madaling araw ang Tito mo kaya halos wala talaga akong tulog,” hinging paumanhin niya. Patuloy naman ako sa pagkain ng bagong lutong kanin at adobong baboy. Masarap ang pagkakaluto ng adobo dahil tanging ang mantika lang nito ang sabaw ng kanin at sakto lang ang lambot ng karne. “O, dahan-dahan… naku mukhang nagutom talaga nang husto ang pamangkin ko. Sorry talaga, ha? Sa susunod, ibibigay ko na ang baon mo para sa pang-isang buong linggo. Para kapag may ganitong pangyayari, hindi ka magutom,” sabi pa niya. Nilunok ko ang laman ng bibig ko saka uminom ng dala niyang malamig na tubig sa tumbler. “Salamat po, Tita. Wag po kayong humingi ng paumanhin kasi ako naman po ang nakakaabala sa inyo.” “Napakabait mo talagang bata, Zairah. Saka ito ang pakatandaan mo lagi, ah, kaihit kailan hindi ka isang abala sa akin, okay? Huwag mo na ulit babanggitin ang bagay na iyan,” bilin naman niya. Inipit pa niya sa likod ng tainga ko ang ilang buhok na tumatakip sa pisngi ko. “Thank you po, Tita. ang bait-bait ni’yo po sa akin,” bigla ay emosyonal na tugon ko. Napangiti naman siya. “Alam mo, ang ganda-ganda mo, Zairah. Ikaw ang nagmana sa mala-kastilang hitsura at kutis ng Papa namin. Kami kasi ng Mama mo ay parehong kamukha ng Mama namin. Ikaw ang nagmana ng lahat ng ganda at kinis,” papuri pa sa akin ni Tita. Napangiti naman ako kasi madalas ngang sabihin ng mga kapitbahay na maganda ako. Tapos parang golden brown pa ang kulay ng mga mata ko. Tisay na tisay nga rin ang kulay ng balat ko at matangos din ang manipis kong ilong. “Tita, ano po pala iyong gigawa ninyo ni Tito kagabi? Para po kayong umiiyak pero hindi naman,” inosente kong tanong. Nanlaki naman ang mga mata ni Tita at namula. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Pero luminga-linga pa siya sa paligid na tila ba hindi puwedeng marinig ng iba ang sinabi ko. “Naku, maingay ba kami kagabi?” parang nahihiyang tanong niya. Tumango naman ako. “Kinakabahan nga po ako kasi baka sinasaktan na naman kayo ni Tito. Kaya lang parang gustong-gusto ni’yo naman po ang ginagawa ninyo. Bumangon pa nga po ako tapos nakita ko kayo sa ibabaw ni Tito na–” Agad niyang tinakpan ang bibig ko at sinenyasan akong tumahimik. “Zairah… hindi mo dapat sinasabi ang ganiyan, ha? May iba ka pa bang pinagsabihan niyan?” kabadong tanong ni Tita. Hindi ko rin alam kung bakit para siyang kinakabahan at nahihiya. “Ikinuwento ko po sa kaklase kong si Beth. Sabi po niya itatanong niya sa Mama niya kung ano daw po iyong ginagawa ninyo,” matapat ko namang sagot. Natampal ni Tita ang noo niya at saka natawa. Kumunot naman ang noo ko kasi sigurado akong wala naman akong sinabing nakakatawa. “Zairah… kausapin mo ang kaklase mo, tapos sabihin mo naglalaro lang kami ng Tito mo. Hindi na niya kailangang tanungin pa sa Mama niya kung ano’ng ginagawa namin,” maingat na paliwanag naman ni Tita. Lalo akong nalito sa sinabi niya. “Paano pong laro iyon, Tita?” tanong ko. Pero agad ko ring sinundan. “Ah, nakasakay po kasi kayo sa kaniya kaya siguro ay kaba-kabayuhan po iyon, ano? Ikaw po iyong driver tapos si Tito ang kabayo ninyo?” Lalong namula ang mukha ni Tita Laila. Napakamot naman ako sa ulo ko. “Oo, gano’n na nga. Pero para lang sa mag-asawa ang gano’n, okay? Hindi puwede sa bata at mas lalong hindi puwedeng pinag-uusapan ng mga bata… mag-promise ka na ito na ang huling beses na babanggitin mo iyan,” hiling niya sa akin. Nag-pinky promise naman kami sa isa’t isa. "Zairah, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Tito Sherwin isang araw, nakatayo sa pinto habang pinagmamasdan ako. "Bakit hindi ka lumabas at maglaro doon? Mas mabuti pa, samahan mo ako." "Okay lang po ako dito," sagot ko naman, nag-aalangan ako at bigla na namang kumakabog ang puso ko. "Hinihintay ko lang po si Tita Laila." "Ah, huwag kang mag-alala. Nandito naman ako para may kasama ka. Halika na, dito mo na siya hintayin sa loob," dagdag niya, pero doon talaga sa kakaibang ngiti niya ako laging kinakabahan. Lumipas ang isang taon, lumala ang mga paglapit-lapit sa akin ni Tito Sherwin. Madalas siyang magpanggap na mabait, inaasikaso ako at pilit na tinutulungan sa mga assignments ko kahit hindi naman talaga kailangan. Ramdam ko talagang pinipilit niyang mapalapit sa akin pero hindi ko magawang makipag-close sa kaniya. Sa tuwing lumalapit siya sa akin ay bumubuhos ang kaba at takot ko. "Kailangan kong maging matatag. Hindi puwedeng mahirapan si Tita," nasaisip ko. Isang hapon ay hinahanap na naman ako ni Tito Sherwin. Sabado iyon at walang pasok. "Zairah, nandiyan ka ba?" tawag niya sa akin. "Kailangan kita rito sa loob ng bahay." "May ginagawa po ako," sagot ko. Bigla kong naisipang magdilig ng halaman kasi tapos na akong maglinis sa kusina. Hindi ako makahinga habang ginagawa iyon doon kasi nakaupo sa lamesa si Tito at nakatitig lang sa likod ko. Kaya noong pumasok siya sa silid nila ay binilisan ko ang ginagawa at lumabas na rito. "Isang minuto lang, Zairah. Gusto kong ipakita mo sa akin kung anong talent meron ka," giit niya at ang tono niya ay nagiging malamig na at mababanag ang tila pinipigilang galit. "Zairah!" sigaw na niya. Dinig ko na ang yabag niya palabas. "Kanina pa kita tinatawag, ah? Bingi ka ba? Pumasok ka rito!" Napasinghap ako sa takot at nabitiwan ang hawak-hawak ko. Unti-unti akong lumapit sa may pintuan. Pagkatapos ay pahablot niyang kinuha ang isang kamay ko at marahas akong hinila papasok. Pagkatapos ay isinara niya ang pintuan. “Kapag tinatawag kita, lalapit ka agad, naiintidnihan mo, ha? Masiyado na yata akong mabait sa iyo kaya tumitigas ang ulo mo, eh!” halos pabalibag niya akong inihagis sa kama nila ni Tita. “Tito, bakit po ba?” naiiyak ko nang tanong. “Dumapa ka! Dapat sa iyo nadidisiplina para hindi ka lumaking matigas ang ulo!” singhal niya sa akin. Mabilis niyang kinalas ang sinturon niya at inutusan akong dumapa. Sigurado na akong papaluin niya ako kaya nanginig ang buong katawan ko sa takot. Wala akong maalala na nasaktan ako ng mismong mga magulang ko noong maliit pa ako. Kahit si Tita ay never pa akong pinalo o kinurot man lang. “Ngayon ay magtatanda ka na, at susunod sa akin!” hinataw niya ako ng sinturon sa likod kaya napahiyaw ako nang ubod lakas. Iyon na yata ang pinakamalakas na sigaw na nagawa ko sa buong buhay ko. Hindi pa ako nakaka-recover ay muli niya akong hinampas ng sinturon sa may puwetan ko. “Ahhhhh! Tito, tama na po, masakit po! Ahhh!” ngunit hindi siya nakikinig at hinampas pa akong muli. Tumindi ang panginginig ng buong katawan ko. Maging ang pag-iyak ko ay labis na nagpapasikip ng dibdib ko. Limang hampas ng sinturon ang tinamo ko – isa sa likod at apat sa puwet. Hindi ako makagalaw dahil masakit na masakit ang balat ko mula sa palo niya. "Alam mo bang puwede mo naman akong pasayahin, kaysa galitin?" kakaibang pahayag niya. "Ang kailangan mo lang gawin ay lagi mo akong susundin." Nagimbal ako nang himasin niya ang hita ko. Kaya kahit masakit ang katawan ko mula sa palo ay dagli akong bumangon at umatras. Kinilabutan kasi ako sa ginawa niya. “Kasasabi ko lang, ‘di ba? Na ayaw ko ng matigas ang ulo!” hinila niya ang dalawang paa ko kaya patihaya akong napahiga sa kama. Napahiyaw ako sa hapdi ng likod at puwet ko na dumausdos sa kama dahil sa paghila niya sa akin. “Tito, bitiwan ni’yo po ako!” umiiyak kong pakiusap. “Shh… huwag kang maingay. Sandali lang ito. Promise masasarapan ka gaya ng Tita mo…” nakangising saad niya. Matindi akong nanghilakbot nang hawakan niya ang shorts ko at binalak iyong hubarin mula sa akin. Sisigaw sana ako para humingi ng tulong, pero sinuntok niya ang sikmura ko. Akala ko ay mawawalan na ako ng ulirat. Nanghina ang buong katawan ko at nanlabo ang paningin ko. Kitang-kita ko ang pagtanggal niya ng butones ng suot niyang maong na shorts at ibinaba iyon. Pagkatapos ay lumapit sa akin. Pilit niyang ibinababa ang shorts ko pero mahigpit ko iyong hinahawakan. Wala man akong kamuwang-muwang, alam kong hindi magandang bagay ang nais niyang gawin sa akin. Kaya sa mura kong isip, at sa nanghihina kong katawan ay nanlaban ako. Hindi ko binitiwan ang shorts ko kahit halos mapunit na iyon. “Tulong! Tulungan ninyo ako!” pilit akong sumisigaw ngunit parang singaw lang iyon na lumabas sa bibig ko. “Huwag ka nang mag-inarte! Lalo ka lang masasaktan,” sabi pa nito saka nahahayok na tumawa. Sa mga sandaling iyon na akala ko ay wala nang pag-asa, dumating si Tita Laila nang mas maaga sa inaasahan. "Sherwin! Ano ang ginagawa mo?" sigaw niya, nahimigan ko ang galit at takot sa boses niya. Mabilis namang naitago ni Tito Sherwin ang gulat niya at galit na tiningnan si Tita. "Walang masama sa ginagawa ko! Kailangan lang niyang matutunan ang tamang asal!" “Kung gano’n bakit naka-brief ka lang? Bakit mo hinuhubad ang shorts niya?” nang-aalalang tanong na ni Tita. Lumapit ito sa akin at inayos ang sapin ko. Umiiyak akong yumakap sa kaniya. Hindi ako makapagsalita sa tindi ng takot at panginginig ko. “Napalo ko kasi siya. Titingnan ko lang sana kung nagkalatay nang malagyan ng langis!” katuwiran pa ni Tito Sherwin. Pero tumingala ako kay Tita at luhaang umiling. “Tita, ayaw ko na po dito…” pahikbing pagmamakaawa ko. “Hoy, Zairah, huwag kang maarte, ha? Kaya tumitigas ang ulo mo dahil masyado na kaming mabait sa iyo, eh!” bulyaw pa sa akin ni Tito Sherwin. Ngunit tila umakyat ang matinding galit sa utak ko at pinanlisikan ko siya ng mga mata. “Sinungaling ka! Gusto mo akong gawan ng masama. Alam ko, matagal mo nang binabalak pero lagi akong lumalayo sa iyo! Ngayon hinimas mo ang hita ko at gusto mo akong hubaran! Wala naman akong kasalanan, bakit kailangan mo akong hatawin ng sinturon?!” Masamang-masama ang loob ko habang sinusumbatan siya. Dumaan naman ang kalituhan sa mukha niya. Pero agad din iyong napalitan ng galit. “Aba’t–” “Teka, huwag mo nang saktan ang bata!” iniharang ni Tita ang katawan niya para hindi ako malapitan ni Tito Sherwin. “Tumabi ka riyan kung ayaw mong tamaan!” banta na ni Tito sa kaniya. Pero hindi umalis si Tita at pilit akong pinoprotektahan. Napalo mo na ang bata, ano pa ba ang kailangan mo sa kaniya?” giit pa rin ni Tita. Sa pagkakataong ito ay tinabig na siya ni Tito kaya halos mahulog siya mula sa pagkakaupo sa kama. “Ikaw, ginagalit mo rin ako, kaya makakatikim ka rin sa akin!” sigaw niya kay Tita at akmang susuntukin ito. Ngunit mabilis na nahagip ng mga mata ko ang bote malapit sa maliit na cabinet. Inihampas ko iyon sa tagiliran ni Tito kaya hindi natuloy ang pananakit sana niya kay Tita. “Ah, gano’n? Sinasagad niyo talaga ang pasensiya ko, ha? Ngayon tikman ninyo at galit ko at–” Ngunit hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla siyang sipain ni Tita sa may gitna niya. Malakas na sumigaw si Tito at biglang namilipit. Mabilis na kinuha ni Tita Laila ang kamay ko at hinila ako palabas. "Tara, Zairah! Kailangan nating makaalis dito!" pangmamadali niya sa akin. Agad naman akong tumango at tumakbo kami palabas ng bahay. Nagawa pa ngang kunin ni Tita ang bag at cellphone niya. Tumakbo kami nang tumakbo hanggang sa parahin niya ang isang tricycle. Sumakay kami roon at mabilis namang umandar ang tricycle. Nakita pa namin ang paghabol ni Tito na iika-ika at galit na galit ang mukha. "Pero, Tita Laila! Saan tayo pupunta?" nahihintakutang tanong ko. Natatakot kasi ako na mahabol kami ni Tito Sherwin at siguradong sasaktan kami nito. "Hindi ko pa alam. Ang mahalaga ay makalayo muna tayo rito. Wala tayong dalang anuman. Pero ang mahalaga ay magkakasama tayo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa iyo. Kakayanin natin ito, okay? Kailangan lang muna nating magtiis," sagot ni Tita Laila. Hindi ko gaanong nauunawaan ang lahat pero nakahinga ako nang maluwag na malayo na kami sa demonyong asawa niya. Umalis kami na halos walang kapera-pera, walang gamit, kundi ang mga damit lang namin sa aming mga katawan. Dumiretso kami sa sakayan ng bus. “Pupunta na lamang tayo ng Maynila, Zairah. Kasi kung naririto lang tayo ay siguradong mahahanap at mahahanap din tayo agad ni Sherwin,” sabi niya sa kain. Sa mga mata niya ay umaasa siyang mauunawaan ko ang lahat. Kaya kahit mahirap ay tumatango-tango lang ako. Para sa akin, mas maigi na ito kaysa naman kasama ang halimaw na si Tito Sherwin. “Pero, Tita, ‘di ba nagbibiyahe rin sa Maynila si Tito? Paano kung makita po tayo doon?” nag-aalalang tanong ko pa rin. “Masyadong maluwang ang Maynila, Zairah. At kung sakaling makita niya tayo, marami tayong puwedeng mahingan ng tulong sa Maynila. Mas maraming pulis doon kaysa sa baryo natin,” paniniguro naman niya. Hindi na ako nagtanong pa. Basta ang alam ko lang, medyo mahaba ang naging biyahe namin bago kami nakarating ng Maynila. “Tita, gutom na po ako…” daing ko sa kaniya. "Sige… saglit lang Zairah kasi kailangan muna nating makahanap ng masisilungan," sabi ni Tita Laila habang naglalakad kami sa malamig na kalye. "Walang madali sa atin, pero magsisimula tayo sa simula." Nang araw na iyon ay may nahanap kaming karinderya na nagsisilbi ng murang kanin at ulam. Nakipagkuwentuhan si Tita sa may-ari. At napag-alaman ni Tita na kailangan ng may-ari ang makakatulong sa karinderya niya. Mayroong isang kuwarto ang bahay ni Aling Margie, ang may-ari ng karinderya. Tanging ang apo na lang din niya ang kasa-kasama niya sa bahay dahil may mga sariling pamilya na rin daw ang mga anak niya. Nagawan ni Tita ng paraan na makuha ang mga school records ko sa school ko sa probinsya kaya naipa-enroll niya ako dito sa Maynila. Mas matanda lang ng isang taon sa akin ang apo ni Aling Margie na si Tristan. Hiwalay naman ang mga magulang nito at pareho na raw may kani-kaniyang pamilya. “Bakit mas pinili mong tumira sa Lola mo?” minsan ay tanong ko habang naglalakad kami papunta sa school. Grade 5 ako at Grade 6 naman siya. “Mas masaya ako kay Lola. Hindi ako tanggap ng mga asawa ng Mama at Papa ko. Sapat na sa kanila iyong nabibigyan nila ako ng allowance buwan-buwan. Bahala na si Lola sa akin!” sagot naman ni Tristan. “Halos parang pareho lang pala tayo, walang mga magulang…” maya-maya ay sambit ko. “Okay lang iyan. Mahirap lang sa una, masasanay ka rin!” sabi sa akin ni Tristan. Hinaplos pa niya ang ulo ko. Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong nagkaroon ng kuya. Lumipas pa ang mga taon at nakagraduate na kami ng senior high school. Pero siya lang ang nag-college, habang ako ay nagsimula nang maghanap ng trabaho para makaipon at makatulong kay Tita. “Bakit hindi ka na tutuloy? Public naman ang university na pinapasukan natin kaya–” “Tristan, hindi na ako kayang paaralin pa ni Tita. Ngayon nga ay may sakit pa siya,” putol ko kay Tristan. “Kailangan kong magtrabaho para buhayin nag sarili ko. Ang kinikita ni Tita sa paggawa at pagpapaorder ng pansit, puto at iba pang handa sa mga special events ay kulang pang pambili ng mga gamot niya,” dagdag ko pa. Malalim namang bumuntong-hininga si Tristan. “18th Birthday mo na next month, ‘di ba? Ano ba ang gusto mong regalo?” pag-iiba niya sa usapan. Napangiti naman ako. “Naku, huwag ka nang mag-abala pa, ano! Ang mahalaga, kasama ko kayo nina Lola Margie at ni Tita, masaya na ako. Sigurado namang magluluto ng handa si Tita kaya ayos na sa akin iyon,” tanggi ko naman sa sinasabi niya. “Iyan ka na naman, eh! Ah, ako na nga lang ang bahala!” nakangiting saad pa niya. May kakaibang ngiti sa mga labi nito kaya napapakunot tuloy ang noo ko. *** Hello guys, Pasensiya na kung hindi ko pa ito ma-update ng regular. Pero kakargahan ko na siya ng chapter, paisa-isa. Tatapusin ko muna iyong THE BILLIONAIRE'S PROMISE, then susunod na ito. Baka po gusto ninyong i-add ang story na iyon ni Llander at Avez. RomCom at Crime Investigative po ang tema ng story na iyon. Peor syempre hindi rin mawawala ang erotic scenes. Thank you so much guys for your patience and support!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD