Present Time… Zairah’s POV “Hija… Zairah, buksan mo itong pintuan, please…” pakiusap ni Tita Laila. Tumagilid naman ako at pinahid ang mga luha ko. Pilit kong nilalabanan ang sakit sa dibdib ko, pero sobrang hirap para kayanin. “Hija, papasok na ako, ha?” narinig kong sabi ni Tita nang wala siyang makuhang sagot sa akin. Napapikit ako at mariing umiyak nang walang tunog. Inilubog ko ang mukha ko sa unan para hindi niya makita ang pag-iyak ko. Hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang kamay na humaplos sa gilid ng ulo ko. “Ano ba ang nangyayari sa’yo, Zairah? Maghapon ka nang hindi lumalabas ng kuwarto mo. Ni hindi ka man lang kumakain, baka magkasakit ka na niyan. Kung may problema ka, sabihin mo sa akin,” banayad na pahayag nito sa akin. Suminghot ako at nagbuga ng hangin. “Okay la

