Chapter 29 Ruthless

2525 Words

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulala doon habang umiiyak. Ngunit habang nagtatagal ay lalo lamang kumikirot ang puso ko. Ni hindi ko alam ang gagawin, o kung saan ako pupunta. Paanong nagawa ni Christian sa akin ang ganito? Paano niya nagawang pasayahin ako nang ilang araw, pagkatapos ay bigla na lamang niyang iiwan nang ganito? Ngunit pinuno ko ng tapang at determinasyon ang dibdib ko. Tumayo ako at nag-abang ng taxi sa labasan ng kantong ito. Pumunta ako sa opisina ni Christian. “Naku, pasensiya na po kayo, Ma’am. Pero bawal na po kasi kayong pumasok dito ngayon. Iyan po ang utos ng presidente,” giit ng mga guwardiya nang magpumilit akong makapasok sa compound ng building. “Kuya, dito ako nagtatrabaho… nakalimutan ni’yo na po ba? Ako po ang Executive Assistant ng presidente!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD