Gutom na gutom talaga ako kaya naubos ko ang dala na pagkain ni Sir Seb,saktong tumawag si Rale pagkatapos ko kumain."Hello Rale akala ko tulog kana?"Girl sorry ha hindi na kita mabantayan d'yan,nandyan naman si sir at sabay kana umuwe sa kanya ha.Ok lang ako kasama si Hazel."Sige Rale mag-ingat ka dito ha,magkita na lamang tayo pagkatapos mo dito."Bruha,para namang hindi tayo magkatrabaho sa Maynila."Oo nga ano. "Iwan ko sayo Ally parang wala ka sa sarili mo,porket katabi mo lang d'yan si papa Seb.."Ano?kailan mo pa naging ama ito?Nakita kong nakatingin lang sa akin si Seb kaya binago ko agad ang usapan."Ahm,i mean kailan ka makipagkita sa ama mo?"Ay ambot saimo Ally,magpahinga kana nga hindi pa mabuti ang lagay mo.Swerte mo girl ang gwapo ng nasa tabi mo.."Tse!,babye na,kaloka.."Bye ingat kayo sa byahe bukas ha..Pinatay ko na ang phone at nakangiting nakaharap kay sir Seb.Why are you staring me like that with a killing smile?Killing smile?talaga bang pangpatay ang ngiti ko?Ahm,wala ho bakit kasi ang tsismoso ninyo.Nag-uusap kami ni Rale dapat lumabas ka hindi yong nakatingin ka sa akin.."Paano lalo kang gumaganda pagtinititigan kita..Bigla yatang namula ang tainga ko sa sinabi niya.."Why are you blushing?"Huh!me namumula?"Oo alangan naman ako?"Sir pwede ba matulog nalang kayo,maaga pa tayo bukas at salamat sa pagsama dito sa akin ha at pagbayad sa lahat ng nagastos dito.Pakaltas nalang po sa sahod ko kasi..hmm,konti lang kasi savings ko baka hindi kasya.."Don't worry wala kang babayaran,cargo kita Allyzza dahil ako ang nagdala sayo dito,saka empleyado kita kaya charge na lahat sa akin 'yon.."Magkano po bill ko?"Huwag muna sabi alalahanin saka hindi naman kalakihan.."Pero thank you parin,hindi lang kasi ako nakatulog ng maayos at nakapagpahinga."Bakit hindi ka nalang kumuha ng matirhan near sa trabaho mo?hindi ba wala ka naman ng magulang sa Cavite bakit doon kapa nag uuwian?Ah,dahil sa anak mo?pwede mo naman siyang isama bakit nakatira pa kayo sa tiyuhin mo?Sorry nakwento kasi ni Rafael na sa tiyuhin mo ikaw nakatira."Sila nalang kasi ang pamilya mayron ako sir..Mga kamag-anak ni mama hindi ko naman kilala,taga bisayas kasi si mama at papa naman taga Cavite.Ang kapatid ni papa tatlo pero nasa ibang bansa na sila eh,parehong nurse ang mga anak kaya nagmigrate na sila sa Canada at sila tito nalang sa Cavite ang matutuluyan ko."Kaya nanatili kayo ng anak mo doon?.."Bakit ba anak ka ng anak sir!"Bakit ka sumigaw?"Hindi ako sumigaw ganyan lang talaga ako pag naiinis kanina kapa anak ng anak diyan eh wala pa naman akong asawa.."Wala kang asawa pero may anak?"Bahala ka nga,ang kulit mo!"Hoy bakit kana tumalikod?"Matulog kana po maaga pa tayo bukas.."Gusto ko malaman saan ang ama ng anak mo,bakit hinayaan lang niya kayo..Sa inis ko ay bumangon ako bigla,mukha na ba talaga akong may anak,ang katawan ko ba talaga ay hindi na pangdalaga at napagkamalan ako ng may anak na nito?Ni hindi pa nga ako nakatikim ng kiss eh at wala pang humahawak sa kamay ko..Sa isip ko na lamang at tinitigan ko siya ng masama.."Ops parang sinusumpa mo ako sa mga titig na iyan ah..sige na hindi na ako magtatanong kung saan ang ama ng anak mo..Matulog na tayo..Baka makain mo pa ako ng hilaw..Tumalikod na ako sa kanya at pinilit na matulog muli.Pero tulog na ako maghapon paano ako makatulog ulit nito,Allyzza naman bakit hindi ka mapakali dahil ba nandito ang lalaking...oo nga pala nahalikan na pala ako nito kaya nakatikim na ako ng kiss..Duh,mabuti at hindi ko nasabi sa kanya na ni halik hindi pa ako nakatikim,pero aksedente naman yong nangyari ah at hindi sinadya,bakit kasi pwede naman magkabangga lang at bakit may halik pang kasama..Tssk...
Nauna akong nagising kay Allyzza,mabuti kagabi at nakatulog ako agad,alas tres na ng madaling araw,kaya ginising ko na siya para maaga kami makaalis.Ako lang ang magmaneho at hindi kami mahatid ni Lucas dahil madami pa siyang aayusin sa factory.This my first time to drive alone mula ng mangyari ang aksidente 10 years ago.Lagi na akong may driver pag malalayo ang byahe namin at hindi na ako hinahaayaan ng daddy na magmaneho ng malalayo.Pero ngayon magdadrive ako ng 7 to 8 hours pero alam ko namang kaya ko na.."Ally wake up and get ready!Ally..."Napabangon ako bigla sa akalang anong oras na,ginigising pala ako ng boss ko..Hindi man lang ako nagising sa alarm ko.."Do your morning routine at makaalis na tayo.."Ok sir..Para itong bata na sumusunod sa sinasabi ko..Natapos na din siya at sabay na kaming lumabas,ako na nag bitbit bag niya at ang dami pa naman yatang laman.Hindi ko maintindihan ang sarili ko,bigla akong lumambot sa babaeng ito na nawalan ng magulang ng dahil sa akin.Kailangan kong makabawe sa kanya at may plano ako pagdating na pagdating sa Maynila.
Seryoso lang sa pagmamaneho si sir tama lang ang takbo niya,ingat na ingat sa kalsada.Napakagentleman niya even sa pagdadrive..Ni hindi man lang lumilingon sa akin..Hinayaan ko na lamang siya at nagbobrowse nalang ako sa facebook.Saktong may post sa f*******: si Shana ang panganay na anak nila tito..Nakasali ito sa school nila bilang isang reporter at kailangan daw niya mag interview ng isang mayaman na may lihim na nakaraan.Ano kaya yun may lihim na nakaraan?Baka sikreto na wala pang may nakaalam..Tanungin ko kaya ang boss ko,para makatulong sa pinsan kong ito,baka ito na ang daan para maging close kami.Gagraduate na ito ng college sa marso,24 years old na ito dahil kasi sa patigil tigil sa pag aaral kaya late na nakatapos.At journalist ang kurso nito,para sa thesis nila ang pag iinterview at gusto ko makatulong.Pasimple kong sinulyapan ang boss ko na seryoso parin sa pagmamaneho.Kaso hindi pa kami gaanong ka close nito baka isipin niya napaka assuming ko naman para humingi agad ng pabor sa kanya.Isa pa,pabago bago ang ugali niya minsan ok,minsan naman hindi..Haist,paano ko kaya matulungan si Shana?"
"May sasabihin ka ba Ally?kanina ka pa hindi mapakali dyan..Don't worry doon banda magstop tayo,doon lang ang alam kong may c.r na gasulinahan.."Naku!hindi po sir,huwag kana po mag stop over hindi ako naiihi.."Huwag kana mahiya even me mag c.cr din..Balisa ka kasi kanina pa akala mo hindi ako nakatingin sayo,may mata ako sa may tainga ko.."Agad ko naman tiningna ang tainga niya..baka nga may 3rd eye ito kaya siguro hindi tumitingin sa akin..Naniwala ka naman na may mata ako sa may tainga ko,maya malakas pakiramdam ko Ally kahit nakatuon ang mga mata ko sa kalsada.Ahm kasi sir this is about my cousin.I want to help her.."Ah,may maitutulong ba ako?"Mayroon po kung may nakaraan ka po na hindi mo pa nasabi sa iba?Ah,ano kasi journalist ang cousin ko at gagraduate na sa March 2 months from now may journalist na akong pinsan."Ahm pag isipan ko,pero masyadong complicated eh,i will try ok?"Thank you sir!
Agad ko namang tenext si Shana na matutulungan ko siya,pero pag-isipan pa ng boss ko ang sinabi ko sa kanya.Alam kong matutuwa ang pinsan kong maldita once na matulungan ko siya baka hindi na ito magmaldita pa sa akin..