Naiwang mag-isa si Sib sa office at nakatulala nanaman ito kakaisip kung paano niya mahanap ang babaeng kailan lang ay nahalikan niya sa mall.Naging usap-usapan pa iyon sa social medya at dahil maimpluwensya siyang tao ay nagawan nila ng paraan para matanggal ito.Mayroon pang nagsabi sa comment na ang swerte daw ng babae sa kanya.Napangiti nalang ito ng biglang pumasok ang secretarya niya."
"Sir mag problema po sa production,may leak daw po ang isang machine na ginagamit sa pag gawa ng Serum..."Ano ba daw ang dahilan?. "Wala pang may alam sir,lumabas po kasi engr.Lucas may inaayos daw po sa isang branch sa Bulacan.."Ok,i will check.Susunod ako.."Sige ho sir..
Agad na inayos ni Sib ang gamit at sinirado ang laptop.Pababa ito ng maisip niyang pumunta sa surveilance department at doon nalang magcheck.May hinala kasi itong sinabutahe ang bagong machine nila galing Australia wala pa itong isang buwan at nakapagtataka naman na may leak agad.Dinobol check nila ito pagdating galing ibang bansa.Agad siyang pumasok ng cctv room ng walang nakapansin sa kanya at saktong nakatulog naman ang isa sa mga operator doon..Uminit ang ulo ni Sib at agad na tinanggal ang natutulog na operator.
"Hindi kayo sinasahuran dito para matulog!Kayo ang bantay ng operation sa lahat ng area.Alam ninyo ang rules ko,kahit nasa Amerika ako,lagi ko sinasabi sa dad ko na dapat maging strict siya dito.Dahil kahit ang dad ang namamalakad dito,akin parin ang kumpanyang ito!Diba nga noong isang linggo ay may tinanggal na akong production operator?dahil kahit tirik ang araw ay nakita kong tulog sa cctv.Baka nakalimutan ninyo na may boss na nagmamasid sainyo?Halos 60 years na ang kumpanyang ito na pinamana ng lolo ko sa dad ko.At ngayon pinasa na din ng dad ko sa akin!Hindi porket mabait ang dad ko inaabuso ninyo!.."Sir kasi naconfined po ang anak ko at walang kahalili ang asawa ko kaya kagabi buong gabi ako ang nagbantay at dumiretso nalang sa trabaho ng walang tulog at pahinga."Kaya dito ka natulog?Umuwe kana at sa bahay mo na iyan ituloy ang tulog mo,wala ka ng isipin kundi puro pahinga at tulog nalang.Regular ka diba?so medyo malaki makukuha mo,ipaayos ko agad sa hr at finance ang backpay at seperation pay mo.Makakalabas kana!
"Akin na yong video na kuha ninyo kagabi at kanina,alam nyo naman siguro at indorse sa inyo ng panggabi ang nangyari.."Yes boss i coconfile ko lang para maayos mong mapanood.Ipapadala ko nalang po sa opisina ninyo."Salamat!
Agad na lumabas si Sib at nagpunta na sa opisina niya..Talagang pinatunayan niya ang tawag sa kanya sa kumpanya ay walang puso na boss.Dahil ayaw niya na akala mo ay palagi siyang nalalamangan.
"Ronald anong nangyari sayo at nakabusangot iyang pagmumukha mo?.."Ikaw pala Alyzza,uuwe na ako.."Ha e wala pa sa dalawang oras ang duty natin ah?..May nangyari bang masama sa inaanak ko?.."Wala naman,tinanggal na ako ni boss sa trabaho.."Ano?agad agad?.."Nahuli kasi akong natutulog,pinaliwanag ko ang side ko,hindi s'ya nakikinig."Napakawalang puso naman niyang boss,palibhasa hindi pa niya narardaman ang pagiging ama.Ako ang kakausap sa kanya at hindi pwede na basta ka nalang niya tatanggalin.."Hayaan mo na Aly kasalanan ko din naman at alam natin ang rules and regulations ng kumpanya,mauuna na ako.Mag-iingat kayo dito."Sige Ronald mag ingat ka,dadalawin ko nalang bukas si Rein off ko naman."
Tanging tango lang ang ganti ni Ronald kay Alyzza,magkabatch sila Rale,Ronald,Anie at Alyzza at nalagay sa Surveilance si Ronald dahil i.t ang natapos nito.Sa loob ng limang taon nila sa kumpanya ay lumalim ang pagkakaibigan nila.Hanggang nagligawan si Anie at Ronald na nauwe sa kasalan at nagkaroon ng isang anak na babae ito ay ang kanyang inaanak na inaanak din ni Rale.Kung hindi nga lang bakla si Rale baka naging sila din dahil gwapo ito, maalaga,maalalahanin at mas inuuna ang iba kesa sa sarili.Kaso bakla eh,lalaki ang gusto.Agad nitong ibinalita kay Rale ang nangyari at gigil na gigil din ito katulad niya.
"Kailangan natin matulungan si Ronald Rale,dahil pareho na silang walang trabaho ni Anie paano na ang inaanak natin?.."Let's make a move,ako ang bahala.."At ano ang pinaplano mo?"Basta sumunod ka nalang sa akin,mamaya pag-usapan natin huwag dito.."Naku wag naman yang papatay tayo ng tao ha. "Gaha,papatay agad?turuan lang natin ng leksyon..
At iyon nga ang ang nangyari,dahil sa kagustuhan na matulungan ang kaibigan ay late na umuwe ang dalawa at inabangan ang kotse ni Sib na palabas ng factory.Pinatigil ni Ronald si Anie sa trabaho dahil walang mag alaga sa anak nila.Apat na taon din nila itong nakasama sa trabaho at naging kaibigan hanggang isang araw ay nagdecide na itong magresigned.Nasa ganung pag-iisip si Alyzza ng narinig niyang nagtitili si Rale at nakita niyang nakahandusay na ito sa kalsada.
"Anong nangyari sayo Rale?.."Ngumungoso ito na parang may tinuturo..Agad naman na gets ni Alyzza at ginalingan pa ni Rale ang pag acting na akala mo talagang nasagasaan..
Palabas na ng Factory si Sib dahil alam na niya kung sino ang nagsavotage sa serum machine,si Lucas lang din na pinsan niya sa ina.May galit ito sa kanya dahil lang sa isang babae na minahal nila pareho.Pero siya ang pinili ngunit iniwan din s'ya dahil sumama ito sa iba na ang gusto pala ay apat na M,matandang mayaman madaling mamatay at iyon na nga naging instant milyonarya ang walang hiyang babae na iyon,pinag away lang silang magpinsan.Ang akala niya ok na sila ni Lucas iyon pala may lihim paring galit ito sa kanya pati gamit sa factory ay pinagdiketsahan.Hanggang hindi niya namalayan na may nabangga siya at iyon na nga isang tauhan nila sa factory base sa suot nitong uniforme.
"Best its your turn na,galingan mo ang pag acting.. "Pero hindi ako magaling mag...."Ano ba problema ninyo ba't paharang harang kayo sa daan?.."Hoy mr!..ikaw na nga itong nakasagasa ikaw pa...(biglang natigil ang pagsalita ni Alyzza ng makita kung sino ang nasa harapan nila na nakapamulsa pa..?..Ikaw?.."Alyzza matagal kitang hinanap pwede ba tayo mag-usap?.."Sorry busy ako,Rale tayo!.."Ha eh,paanong?"I said tayo,aalis na tayo...
Agad namang tumayo si Rale at sumunod na kay Alyzza,napakamot na lang si Sib at napailing sa kung ano ang drama ng dalawa.Mabuti at hindi napuruhan ang lalaking iyon,lalaki ba?sa isip na lamang si Sib at bumalik na sa kotse niya.