Paglapag na paglapag ng eroplano sa airport ay nagmamadali akong bumaba.Habang si Seb naman ay nagmamadaling sinusundan ako. "Ally wait! Tawag nito sa akin.Gusto ko na agad makauwe ng Cavite at sumbatan silang mag-asawa.Paano nila nagawa sa akin ito! Bakit nila ako ginaganito?Akala ko pa naman totoo sila sa akin! Sabi ko sa aking isipan habang si Seb naman ay sumusunod sa akin. "Ally hintayin nalang natin si mang Dado siya ang susundo sa atin papuntang Cavite,sasamahan na kita doon! "No Seb,pagod kana din.Umuwe ka muna sainyo! "Hindi ako uuwe sasamahan kita.Nagdusa din ako sa kagagawan ng tito mo Ally! Pinadala ako ni daddy sa U.S at wala akong ginawa doon kundi takot at pangamba! Ang bata ko pa noon para husgahan! Sabi nito dahil alam kong sa kanya lahat nasisi ang pagkabangga ng mga

