Arzelle's PoV
"Kambal!" Paris
"Bakit ka nan---"
"Girlfrriiiiieeeennndddd!!!!" t, teka
"Cale?!"
"Namiss mo ko?"
"Syem-- este bakit naman kita mamimiss?" mataray kong sabi
Nag pout naman siya
"Teka.. Ba't kaba nandito?"
"Dito na ako mag-aaral! Nag pass lang ako ng requirements tapos bukas na ang start ko dito" nakangiti nyang sabi
"Tss.. Sinabi ko bang mag-explain ka?" cold kong sabi
Nakita kong nag-grin si Crayn.
Mukhang hindi natablan ang Gago at Inakbayan pa ako.
"Gusto mo suntok?" tanong ko
Kaya dali dali nyang kinuha ang kamay nya
"Hehe bukas girlfriend ah? Mamimiss kita! >3<"
Ewan ko sayo psh. Tinignan ko lang siya ng masama hanggang sa narinig naming tumunog na ang bell.
"Alis na tayo dito" Tumango naman sila at agad kong nilingon si Autumn
"Una na ako kambal ah?" aniya kaya ay tumango lang ako.
Lumabas na sya at sumunod naman ang BAI7
"Wait Elle!"nilingon ko si Threy
"What?"
Namula naman sya.
"Err.. Nevermind"
Nagkibit balikat lang ako tsaka umalis na
**
"Okay! Listen up everyone! Madadagdagan kayo.. You'll have new classmates.. Please treat them as your siblings"
Siblings daw? Sige magkamatayan kami ng mga new classmates ko lmao.
Tapos pumasok
Sila? Okaaayy
"Everybody! They'll introduce their selves so please listen" Prof
Tapos sinenyasan sila na pumunta sa harap.
"I'm Shin!" tapos nakawave na nakatingin kay Jeniah.
Si Jeniah naman nagwave back.
"I'm Ghrey" Tumingin siya sa paligid nya... Yung parang may hinahanap.. Ay ewan.
"Threy" Nakayuko sya.
"You don't need to know my precious--ughh!!" siniko sya ni threy..
"Kahapon kapa!" usal nya kay threy.
"Just tell them already." Nakakunot noo naman na sabi ni Threy. Well, a typical sibling bond.
"Grrr.. Crayn" may diin sa pagsabi niya ng pangalan nya
Nahalata ata ng Prof namin na may away na mangyayari kapag di siya pumagitan kaya ay dali dali itong nagpeke ng ubo at tinignan silang apat. "Okay.. You may take your seats."
Upon hearing that, they walked away from the blackboard and strided towards the aisle of each row. Tapos ay umupo sila sa likuran ko where the seats are empty.
Nakita ko pa nga na pinasadahan ako ng tingin ni Threy.
Problema nun? tch.
**
"Okay. Class dismiss" Prof.
Kaya parang may gyera sa buong room at nagtutulakan na ang iba palabas.
Kami naman ay nakaupo lang waiting for this classroom to be empty.
"Hindi pa ba kayo aalis?"shin
"Nah. Aantayin muna namin maubos sila" saad ni Jen habang nag re-retouch
"Aahh.. Okay?"shin
"Yup"
"Uhm una na kami rhian ah! Annyeong Chingu~!"
"Annyeong~!"
Tapos ay lumabas sila.
Nilingon ulit ako ni threy na parang may gusto syang sabihin pero hindi nya kayang sabihin?
Bahala sya
Tinignan ko naman ang katabi kong hindi ata nag lunch at natulog lang the whole period.
"Hey Claude, uwian na" I poked him that made him groan
"I'll just stay here. You going home?" nakapikit na sabi niya
"Yeah, got some errands to run"
"Alright safe travels" I patted his back as I attached some small tracker in case of emergency.
Pagkatapos nilang maubos ay umalis na kami sa room sakto namang pasok ang janitor para linisin na ang room namin
"Bye po Mga Ma'am" nakangiti nyang sabi
Ngumiti lang ako habang sila ay bumati pabalik
Pagdating namin sa Parking Lot
Pinauna na sila kasi may importanteng bagay akong gagawin
Kaya nagsialisan sila sa harapan ko
"Bye elly~! Anni will mish you~"
"Wag kang O.A. anni"sabi ko
Nagpout lang siya tapos ay pumasok na sa kotse. Tinignan ko silang lahat na umalis sa parking lot at tsaka ako naglakad sa isang Ferrari. Kumatok ako ng dalawang beses sa driver's seat at agad naman itong iniluwa ang isang tao
"Nag abala ka pang lumabas, Rodriguez" simpleng saad ko, "Why are you stalking me?" dagdag ko pa habang itinulak siya pabalik sa sasakyan niya.
He chuckled, "Miss Lyndons don't be rude"
Hindi na ako nagulat at pumanhik ako patungo sa shot g*n seat, agad naman niya akong pinagbuksan kaya ay umupo ako ng tahimik.
"If you're gonna ask me how-"
"No, I won't because I know"
"So, alam mo rin na narinig ko yung conversation niyo ng kuya mo?"
"Yes, I saw you. Now go drive as fast as you can. Go to the Lyndons' Subdivision. Main Mansion" sabi ko habang nakansandal at nakapikit
I heard him ignited his engine and started to drive. And in a split second, nakarating kami sa Mansion ng mga Lyndons.
Tinanggal ko ang disguise ko at inilagay yun sa bag ko, "What was that for?"
"Mission"
"I see"
May dalawang men-in-black na bumukas ng double door.
At sumalubong samin ang mga maids.
"Welcome Back Young Lady" they all said in chorus.
But I didn't greet back nor look at them
Dude, I know I got the attitude and there's no way I'm changing who I am to please everyone. I live to please myself, not them.
Tumungo kami sa isang room at agad kong kinuha ang file na kailangan ko.
"Woah"
Tinignan ko siyang manghang mangha sa isang shelf, a shelf of guns.
"Since alam mo na ang pakay ko sayo, what do you think?"
He looked at me then smiled, "I'm sorry. But as much as possible I'm trying to live a normal life away with mafias"
"Hindi mo ba nami-miss?"
"Of course not-"
"Liar. Look at yourself. Sabik na sabik ka sa mga illegal na nandito sa room yet you're saying that you don't miss it?"
He was taken aback. Konti nalang at mapupush ko na siyang sumali.
"But-"
"I'm going to bring her back, you want that?" I know I'm hitting a personal spot here. But who cares?
Binigay ko sakanya ang file, "Sign it and you'll see her again"
He scoffed, "We're done and wala na akong kinalaman sakanya."
"Oh really? Then bat mo kinuha ang ballpen?" Lumaki naman ang mata niya at napabuntong hininga nalang.
"Fine. But I'm joining because being normal is boring-" sabi niya habang pinipirmahan ang kontrata "-I'm not joining because of her!" maktol nito
I just chuckled. 1 down.
***