Hera’s POV
“Ano girl? Kamusta ka naman kagabi?” Tanong saakin ni Naila. Sabay kaming lalabas ng school dahil may gig daw si Daiki, syempre kailangan namin suportahan.
“Ayon, wasted” Simpleng sagot ko habang binabasa ang reviewer ko, tinitingnan kung may mali ba akong nasagot kanina sa mga exams.
“I’m talking about you and Kalen, may nangyari ba?” Napairap naman ako sa tanong niya.
“Ang dumi mo mag isip, malamang wala” Naiinis kong sabi dahil hindi ako makapag focus sa binabasa ko.
“Oh, speaking of Kalen ayon siya oh” Sabi niya at siniko pa ang tagiliran ko. Nawala naman ang atensyon ko sa libro na binabasa ko at agad hinanap si Kalen.
Nasa parking lot kami ngayon ng school para kuhain ang kotse ko at isabay itong si Naila.
“Ang gara ng kotse” Bulong saakin ni Naila, tinutukoy ang mamahalin na aston martin ni Kalen kung saan ito nakatayo habang may tine-text.
“Tara na nga” Pag babaliwalang sabi ko sa mga pinag sasabi ni Naila nang makarating na kami sa kotse ko.
“Teka lang, hindi mo ba muna kakausapin siya?” Tanong niya at hinila pa ako para hindi ako makaikot papunta sa driver seat.
“Close ba kami ha?” Sabi ko at mag lalakad na sana nang biglang tawagin ni Naila si Kalen.
“Kalen!” Tawag niya dito at kumaway kaway pa, nahihiya naman akong yumuko, sinusubukan kumawala sa pag kakahawak ni Naila sa braso ko.
“May gusto pala sabihin si Hera sayo” Sabi niya at bahagya akong tinulak. Kahit kelan ka talaga Naila, ano naman sasabihin ko sa taong yan?
Pero wala na akong nagawa, inangat ko nalang ang tingin ko kay Kalen na ngayon ay nakatingin saamin. Dibale mag kaharap kasi ang kotse namin.
“Uhh…thank you uli, yon lang” Halos mautal kong sabi at kumaway sakanya bago marahas na hinila ang braso ko kay Naila at dali daling tumakbo papasok ng driver seat.
“Ano yon girl? Kilig much?” Pangangasar ni Naila nang makapasok na siya sa kotse ko. Hindi ko naman siya sinagot at in start na ang kotse.
At dahil sa kailangan kong tumingin sa harapan ko para makapag drive na ay nakita ko si Kalen na nakatingin saakin. Umiwas naman ako ng tingin at nag drive nalang paalis dito.
Third Person’s POV
Pag kapasok nila Hera, Naila at Shayna sa venue ay bumungad sakanila ang napaka daming tao.
Si Daiki ay matagal nang tumutugtog pero kahit ganoon, mas inuuna niya ang kanyang pag-aaral. Ang banda na kabilang siya ay sikat sa mga universities sa Metro Manila dahil sa metro manila lang sila tumutugtog.
“Daiki” Tawag ni Hera kay Daiki nang lumapit sila sa kung nasaan si Daiki. Agad namang humarap si Daiki kung nasaan si Hera.
“Oh. Buti nakauwi ka pa?” Pag tataray na sabi ni Daiki, napasimangot naman si Hera.
“Sorry na nga, hindi ko naman alam na malalasing ako” Sabi ni Hera at pinalupot ang kanyang kamay sa braso ni Daiki. Bumuntong hininga naman si Daiki.
“Next time kasi mag sabi ka, halos ‘di tuloy ako makatulog kakaisip sa’yo. Kulit mo” Seryosong sabi ni Daiki at inakbayan si Hera bago hinarap sila Naila.
“Oh Shayna, nasaan si Russ?” Tanong ni Daiki at bahagyang tinap ang ulo ni Hera na akbay-akbay niya.
“Ayon, may group project sila kaya hindi makakasama” Badtrip na sabi ni Shayna. Bumaling naman si Daiki kay Naila.
“Oh ikaw? Bakit ka nandito?” Pag bibiro ni Daiki kay Naila.
“Pinilit ako ni Hera, as if naman na gusto ko pumunta dito” Pag tataray naman ni Naila at pinag krus ang kanyang braso. Tumawa naman si Daiki bago hinarap si Hera.
“May gagawin pa ako, hanap nalang kayo pwesto niyo” Sambit ni Daiki bago bahagyang ginulo ang buhok ni Hera at umalis na.
Pagkatapos ng tatlong ibang performer ay turn na ng banda nila Daiki. Pagpasok na pagpasok palang nila Daiki sa stage ay agad na pumalakpak si Hera na nadinig naman ni Daiki kaya ngumiti ito sakanya at kumindat pa.
“Alam mo, kung hindi kayo mag bestfriend niyan ni Daiki, iisipin ko na mag jowa kayo” Sabi ni Shayna, tumawa naman si Hera.
“Parang kapatid ko na yang si Daiki kaya” Sagot ni Hera at nag focus uli sa stage.
Ang kinanta ni Daiki, dahil siya ang vocalist, ay ang sikat na kanta ng December avenue na bulong.
“Hindi mapakali
Hanggang tingin nalang
Bumubulong sa'yong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko”
Habang kinakanta iyon ni Daiki ay nakatingin siya kay Hera na nakangiting naka kros ang dalawang palad at nakatingin din sakanya.
“Manhid” Bulong ni Shayna.
“Ha? Ano yon?” Pasigaw na tanong ni Hera dahil nag papalakpakan ang mga tao nang matapos na kumanta ang banda nila Daiki.
“Wala, sabi ko ang ganda ng performance nila” Sarcastic na sabi ni Shayna at sumulyap kay Naila at napairap nalang.
“Dahil magaling ka kanina, kain tayo, samgyup, libre ko!” Nakangiting sabi ni Hera habang nag lalakad siya papalabas kasama si Daiki na sukbit sukbit ang gitara niya, si Shayna at Naila.
“Pasensya na pero may gagawin pa akong school works, mauna na ako” Sabi ni Naila at mauuna na sanang umalis nang hawakan ni Daiki ang kanyang braso.
“KJ mo naman, pwede mo naman gawin yan mamaya, nakakapangit yan lalo” Pangangasar ni Daiki, napairap naman si Shayna at kinalas ang pagkakahawak ni Daiki kay Naila.
“Let her go, sabay na kami, pupuntahan ko din sa Russ sa bahay ng kaklase niya” Sabi ni Shayna.
“Ha? So kami lang dalawa ni Daiki?” Kunot noong tanong ni Hera.
“Oo, bawi nalang kami next time. Ba-bye!” Sabi ni Shayna at mabilis na hinila si Naila palabas.
Katulad ng plano ni Hera, nilibre niya si Daiki sa isang samgyup restaurant.
“Hera?” Napatingin si Hera at Daiki nang may lumapit mula sa likod ni Hera sakanila.
“Cole…at Kalen” Gulat na sabi ni Hera at mabilis na sinulyapan si Kalen na ngayon ay naka tingin kay Daiki, ganoon na din si Daiki sa kanya.
“Kamusta ka? Wasted ka kagabi kaya hindi na ako nakapag pasalamat sa pag sali mo saamin at nakapag paalam na din” Sabi ni Cole at tiningnan si Daiki bago ibalik ito kay Hera.
“Okay lang naman. It was fun, thank you din” Nahihiyang ngiti na sabi ni Hera.
“Mag jowa kayo?” Tanong ni Cole habang papalit palit ang tingin kay Hera at Daiki. Napabuntong hininga naman si Kalen na nahihiya na sa kadaldalan ni Cole.
“Ah hindi, hindi kami mag jowa…bestfriend ko, si Daiki” Pag papakilala ni Hera kay Daiki sakanilang dalawa. Napa ‘O’ naman si Cole bago inabot ang kanyang kamay.
“Cole” Pag papakilala ni Cole kay Daiki, tinanggap naman ni Daiki ang kanyang kamay.
“And this is Kalen” Si Cole na ang nag pakilala kay Kalen sakanya. Nag tanguan naman ang dalawa.
“So maiwan na namin kayo ha?” Tanong ni Cole, tumango naman si Daiki.
“Ingat” Pag papaalam ni Hera kay Cole na hindi tumitingin kay Kalen dahil nahihiya ito sa hindi malaman na dahilan.
Hera’s POV
Pagka park ko ng aking kotse ay lumabas ako agad at kung sinuswerte ka nga naman ay nakasabay kong mag lakad si Kalen.
“Hi, good morning” Bati ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit, pero simula noong sa penthouse niya ay kinakabahan ako palagi sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya at mas lalong kinakabahan pag katabi ko siya.
“Good morning” Bati niya at bahagya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Na conscious naman ako.
Sa pag kakaalala ko ay umalis akong gandang ganda sa sarili ko pero parang ngayon ay nahihiya ako sa itsura ko. Okay naman ang damit ko, naka trouser ako na gray at white shirt na tinuck in ko sa trouser ko. Pinartner-an ko iyon ng simpleng necklace lang at kitten heels from chanel.
“Ano oras klase mo?” Tanong ko. s**t, wala na ako maisip na topic, baka isipin niya i-stalk ko siya or what.
“9 am, you?” Ngumiti naman ako.
“8:30, aga mo ah?” Sabi ko at bahagyang tumawa bago nilibot ang paningin sa mga studyante na nadadaanan namin na panay tingin saamin.
“Yeah, I need to, may aasikasuhin lang” Sabi niya, tumango naman ako at hindi na nag salita.
Habang nag lalakad kami ay bahagya kong pinag masdan siya. Nakasuot siya ngayon ng dark green baggy polo and regular fit jeans na pinaresan niya ng isang nike airforce 1 low. Sobrang gwapo niya, at ang bango pa.
“Mauna na ako, good luck sa class mo” Sabi niya nang maka punta kami sa Henry sy hall. Tumango naman ako at kumaway.
“Ikaw din” Sabi ko bago nag lakad na din.
Pag katapos ng last subject ko ay agad akong dumeretso sa starbucks. Balak ko kasing dito nalang mag meryenda at mag basa ng onti.
“Hi” Bati saakin ni Kalen nang umupo ako sa tabing table niya, dibale halos mag katabi kami dahil sofa type itong inuupuan namin.
“Hello, vacant?” Tanong ko at nilabas ang aking libro at bahagyang tiningnan siya pero agad ko din binawi iyon nang makita kong pinag mamasdan niya ako.
“No, kanina pa natapos last class ko, you?” Tanong niya, tumango naman ako at sumipsip sa iced coffee ko.
“Kakatapos lang last class” Sagot ko at ngumiti. Hindi naman na siya nag salita at tinuon uli ang pansin sa kanyang laptop.
6 pm nang mapag desisyunan kong umuwi na, kaya nag ligpit na ako ng mga kalat ko sa table.
“Going home?” Tanong niya. Napatingin naman ako sakanya, kakagaling lang niya ata sa restroom.
“Yes, ikaw? Malinis na table mo” Pag pupuna ko sa table niya na tanging tissue at cup lang nang pinag inuman niya ang nandoon.
“Uuwi na din” Sabi niya at tumayo na dala dala ang bag niya. Tumango naman ako at nauna nang nag lakad, sumunod naman siya.
“You want to have a dinner…with me?” Biglang tanong niya nang makalabas na kami ng starbucks na nag patigil saakin.
“Ahh yeah, sure.” Awkward kong sabi at sinulyapan ang kamay niya na kumuha ng susi ng kotse sa bulsa niya.
“Where is your car?” Tanong niya.
“Hiniram ni Naila kanina saakin, wala kasi siyang kotse, may party siyang pupuntahan” Sabi ko.
Naila is a scholar here in La Salle kaya nang malaman ko na wala siyang kotse noon ay palagi ko na siyang niyayaya na sabay umuwi and ngayon, pangalawang beses niya nang nahiram ang kotse ko. Wala naman kaso saakin iyon, marunong naman siya mag drive at kailangan ko din matutong mag commute kahit papaano.
“Ok then, sabay ka na saakin?” Nag aalinlangan na tanong niya. Tumango naman ako at sinundan siya na papunta kung saan naka park ang kanyang kotse.
Dahil parehas lang kami ng condominium na tinitirahan, napag desisyunan namin kumain sa isang restaurant dito sa BGC which is wolfgang.
“Good evening sir, ma’am, what would you like to order po?” Tanong ng waitress.
“Can I have katsu steak sandwich with iwai blended whiskey and steak crostini please” Sabi ko, tumango naman ang babae.
“I will have what she ordered” Simpleng sabi ni Kalen, tumango naman ang babae at inulit ang order namin para makumpirma iyon.
“So, how’s the life of engineering student?” Tanong ko, ngumiti naman siya nang bahagya.
“It is pretty tricky but I can handle it, I think? How about you, how’s the life of a law student?” Panggagaya niya sa tanong ko, napatawa naman ako.
“It’s fine, I mean mahirap pero pinili ko ito so I need to endure it” Nakangiti kong sabi, tumawa naman siya nang bahagya.
“Are you often in clubs?” Tanong niya.
“Once a week I think, or sometimes twice a week. Depende sa mood namin nila Daiki” Sagot ko sa tanong niya.
“Kayo?” Tanong ko.
“Yeah, we party for like thrice a week. Actually, I'm not too fond of a party but Cole always insists that I should come with them so I had no choice” Sabi niya, ngumiti naman ako.
“Cole is very extrovert and you are, I think, an introvert. Perfect friendship” Pag bibiro ko, tumawa naman siya onti.
“Well, we are friends since high school so sanay na ako sakanya” Sabi niya, tumango naman ako.
“How about Vivian, are you two close?” Tanong ko bigla. Hindi ko alam bakit bigla iyon lumabas sa bibig ko.
“Uhh, maybe? We just met months ago so I’m not sure. Why you ask though?” Naka smirk niyang tanong saakin. Napalaki naman ang mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko.
“Uhh…well, she is the only one na hindi ko nakausap sa xylo so I’m thinking na baka you two are close or lovers?” Nag aalangan kong sabi sa dulo. Tumawa naman siya na mas lalong kinahiya ko.
“I will not invite you to dinner if I’m in a relationship Avyanna” Natatawang sabi niya, nabigla naman ako sa pagtawag niya saakin.
“Avyanna?” Tanong ko dahil wala pa saaking tumatawag ng first name ko. I don’t know I’m just used to people that call me by my second name.
“Yeah, that is your first name right? I would like to call you on your first name” Nakangisi paring sabi niya.
“Ok then, Hiro” Sabi ko, napa ‘O’ naman siya.
“Hiro?” Tanong niya, I smile.
“Ichiro is your second name right? Hiro short for Ichiro” Sabi ko, tumawa naman siya na ikinatawa ko din.
8 pm nang matapos kaming kumain ni Kalen, or should I say, Hiro.
“Thank you for the dinner” Sabi ko nang makapasok na kami sa elevator.
“Thank you too. I had fun” Sambit niya bago pinasok ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa bago sumandal.
“I don’t know if this is consider as a date but I’m looking for another ‘date’ with you” Sabi ko at dali daling lumabas dahil sinakto ko talagang sabihin yon nang tumapat na ang elevator sa floor kung nasaan ang condo ko.
Oh may ghad, I think I like him!
1 month ago since the first date between me and Kalen happened. Since then, we often see each other, we actually exchange phone numbers.
Fr: Hiro
I thought you will call me Hiro?
To: Hiro
I just think that people we know might think I’m being “feeling close” sa’yo to the point na inisipan pa kita ng nickname.
Fr: Hiro
Why, aren’t we close yet?
Halos itapon ko ang cellphone ko sa kilig sa sinabi niya. My gosh, nagiging malandi na ata ako.
To: Hiro
I mean, for example, Cole and you are super close but he just call you Kalen so…
Fr: Hiro
Ok then
Sa buong month na nakaka text ko sa Hiro ay napansin kong hindi siya ganoon kahaba mag reply. Sinabi ko yoon sakanya noong last kaming nag kita and he just said na he is not that used sa pakikipag text so it is given.
To: Hiro
I got to go, may lakad kami nila Naila J
Pag ka send ko noon ay agad kong nilapag ang cellphone ko sa gilid sa sofa at tiningnan ang sarili sa salamin ko dito sa salas ng condo ko.
Plano namin ni Daiki na mamili ng mga regalo for Christmas ngayon. Nakasuot lang ako ng isang colorful sleeveless body con dress paired with a Louis Vuitton flat sandals. For my hair, kinulot ko lang iyon ng onti at nilugay samantalang ang make up ko naman ay simple lang as usual, just a lip gloss, powder, and I just curl and put a mascara on my eyelashes and viola.
Hindi na ako nag drive dahil susunduin naman ako ni Daiki. Buti naman, sayang sa gas, mahal.
“Where do you want to start?” Tanong ni Daiki. Sa glorietta kami ngayon mamimili para more option.
“Let’s go to Louis Vuitton first” Suggestion ko, hindi naman siya umangal at sumunod nalang.
Onti lang naman ang mga pag bibilhan ko ng regalo, my parents and grandparents, my friends with is sila Daiki, Naila, Shayna and Russ, and also I’m thinking about a gift for Kalen.
“May naisip ka na bang ire-regalo saakin?” Tanong ni Daiki habang nakaupo kami sa sofa dito sa Louis Vuitton at inaantay ang mga binili namin.
“Yeah, I order it abroad and I think next week siya dadating” Sabi ko. Hindi ko kasi siya na regaluhan sa dalawang pasko na nagdaan sa kadahilanang sa USA kami nag celebrate ng pasko kaya babawi ako.
Ang regalo ko sakanya is a rare Gibson guitar. Since he loves to play guitar and he loves music in general, napag isipan kong sulit naman ang ibibigay ko sakanya even if sobrang mahal non.
Nang mabayadan na namin ang mga binili namin sa Louis Vuitton ay pumunta naman kami sa iba pang store like Gucci, ysl, prada, hermes, dior, and Givenchy. And in the end, nahanapan ko naman nang mareregalo ang lahat except kay Kalen at syempre kay Daiki na ang regalo is from abroad.
Syempre, pag katapos naming mag shopping ay kumain na kami.
“Nakaka pagod” Singhal ko nang makapasok na sa kotse ni Daiki dahil syempre ihahatid muna niya ako.
“Sino ba naman hindi mapapagod e halos lahat ata ng makita nating designer store ay pinasukan mo na” Pag tataray ni Daiki bago inandar ang kotse.
Nang makapunta na kami sa condo ko ay tinulungan akong buhatin ni Daiki ang mga nabili ko at kung sinuswerte ka nga naman ay nakasabay pa namin si Kalen sa elevator.
“Pinapasabi pala ni mama na i-invite ka bukas, dinner” Sabi ni Daiki. Bahagya naman akong sumulyap kay Kalen na nakatingin ngayon saakin bago binalik ang tingin sa pintuan ng elevator. Nasa likod kasi namin siya ni Daiki.
“What time?” Tanong ko sakanya at bahagyang inayos ang kwelyo ng polo niya nang makitang medyo magulo ito. Kawawa naman, taga buhat ko na nga, mahahaggard pa.
“Before 7 sunduin na kita” Sagot niya, tumango naman ako.
Nang bumukas ang elevator dahil may papasok ay napaatras kami ni Daiki. Tatlo kasi sila at napaka daming dala na grocery siguro kaya todo atras ako nang muntikan na akong matisod nang mahawakan ako ni Daiki at Kalen.
“Uhh… thank you” Pag papasalamat ko sakanilang dalawa at umayos ng tayo.
“Are you okay?” Tanong ni Daiki at bahagyang hinila ako palapit sakanya. Tumango naman ako.
“Yeah, I’m fine, no worries” Sabi ko at awkward na bumaling kay Kalen na nakatingin na ngayon sa kawalan.
Nang floor na namin ang pinag hintuan ng elevator ay lumabas na kami ni Daiki. Pero bago ako nag lakad bahagya kong sinulyapan si Kalen na nakatingin din saakin bago tuluyang mag sarado ang elevator.
Natapos ang dinner ko with Daiki and Daiki’s mom before 9pm. Hinatid ako ni Daiki katulad ng pinag usapan namin.
“Huwag mo na ako samahan sa mismong condo ko, hassle pa sa’yo” Sabi ko bago lumabas ng kotse niya at nag pasalamat bago tuluyan nang umalis ang kanyang kotse sa paningin ko.
“Had a fun night?” Halos mapatalon ako nang biglang marinig ko ang boses ni Kalen. Nakasandal siya ngayon sa tabi ng elevator.
“What are you doing there? May inaantay?” Pag babaliwala ko sa tanong niya, hinagod naman niya ako ng tingin bago ako tiningnan sa mukha.
“You” Sabi niya, napalaki naman ang mata ko.
“Me? Bakit?” Takang tanong ko.
“I know that you are tired already but I know a good new movie. You want to watch it together?” Sabi niya. Nagulat naman ako doon pero agad din na naka recover nang biglang bumukas ang elevator. Sabay naman kami pumasok dalawa.
“Sure, saan ba? My place or yours?” Tanong ko at bahagyang kinabahan nang mag dikit ang braso naming dalawa.
“You, where do you want?” Tanong niya.
“Ikaw na bahala” Nahihiya kong sabi. Hindi naman niya ako sinagot at pumindot na ng floor sa elevator.
“We will go to your condo first, then after you change we will go to my penthouse” Sabi niya. Kahit nabigla ako sa sinabi niya ay tumango nalang.
This is not his first time naman na pumunta sa condo ko. Last week, I invite him ng breakfast.
Pagkapasok sa condo ay agad siyang dumeretso sa salas habang ako ay sa kwarto ko at nag linis ng katawan dahil feeling ko ang haggard ko.
Pag katapos ko mag half bath ay nag bihis lang ako ng shorts at white t shirt at nag pabango. Teka, bakit ba ako nag papabango?
“Sorry for the wait” Sabi ko at kinuha ang phone ko na nilapag ko sa salas bago ako naligo kanina.
“No worries, tara na?” Tanong niya nang makatayo na siya, tumango naman ako at nauna nang nag lakad palabas ng condo.
Nang makapunta kami sa penthouse niya ay agad kaming dumeretso sa salas.
“You want snack? I have pancakes and junk food here” Sabi niya at dumeretso sa kusina habang ako ay umupo na sa sofa.
“A pancake would be nice” Simpleng sagot ko sakanya. Hindi naman na siya nag salita pa.
Nang maihanda niya na ang pancake ko at ang kanyang pizza at root beer ay agad naming inumpisahan ang movie sa Netflix. Nakaupo ako sa isang sofa habang siya naman ay nasa harapan ko, nakaupo sa sahig habang kinakain ang pizza niya.
Nangangalahati na ang movie nang maramdaman kong bahagya siyang sumandal sa sofa kung saan ako nakaupo, dibale mag katabi siya at ang legs ko.
“You want to lean?” Tanong ko sakanya at tinuro ang hita ko. Hindi naman siya sumagot at nag kusa nang nilagay ang kanyang dalawang kamay sa hita ko bago hiniga ang kanyang ulo.
Makalipas ang ilang segundo ay tinurn niya ang kanyang ulo from nakatingin sa tv to saakin.
“Your thighs is freezing, are you cold?” Tanong niya, napatingin naman ako sakanya.
“Nah, I’m fine” Sabi ko at bahagyang hinawakan ang kanyang buhok. He is so freaking handsome, my heart is beating so fast.
Pero parang hindi siya nakuntento sa sinabi ko at kiniskis niya ang kanyang kamay sa hita ko para uminit iyon. Randam ko ang pamumula ng pisngi ko.
“You want a comforter?” Tanong niya, umiling ako.
Hindi na ako makapag focus sa pinapanuod ko dahil nakatitig siya saakin.
“Can I kiss you?” Bigla niyang tanong na lalong nag pakaba saakin.
“Uhh…sure?” Omay ghad ang landi mo Avyanna Hera Fortneigh!
And after I said that ay umupo siya sa tabi ko to kiss me. It is a passionate kiss kaya nang bumitaw kami sa pag kakahalik sa isa’t isa ay halos habulin ko ang hininga ko.
“Are you and Daiki are so close?” Tanong niya habang hawak hawak parin ang mukha ko, napakurap naman ako dahil parang matutunaw ako sa tingin niya.
“Uhh…yes, he is my childhood bestfriend” Sagot ko at tiningnan ang kanyang labi. I want to kiss him again.
“Do you like him?” Tanong niya, umiling naman ako nang parang tuta habang nakatingin parin sa labi niya.
“Good” Sabi niya before he kiss me again.
“Hiro” Ungol ko nang maramdaman ko ang kamay niya na pumasok sa t shirt ko. He is massaging my right breast right now.
“You look stunning as always” He said before he kiss my neck, napalunok naman ako nang maramdaman na iniwan niya ako ng marka doon.
After he leave a mark on neck binalik niya uli ang pag halik sa aking labi. We continue kissing until he stop from kissing me kaya napatigil din ako.
“I think we should stop now, if we continue this I don’t I can stop myself” Sabi niya at hinalikan ang aking noo bago niyakap ako, this time ang dalawang kamay niya ay nakapulupot sa loob ng t shirt ko, sa bewang ko, habang ang kanyang mukha ay sinusubsob niya sa gitna ng leeg at balikat ko.
Hindi naman ako sumagot dahil ganoon din ako. He is so freaking hot.