Lukas Dalawang araw na rin ang nakakalipas ng magsimula kaming opisyal na manirahan na dito sa bago naming bahay. Ako ay naninibago pa rin dahil sa laki at lawak nito. Ang isang request ko lang kay Emilio ng gawin nila ito ay sana sa likod bahay ay makita ko pa rin ang malawak na taniman namin. Nabilis na kasi namin ang lupain sa likod bahay. Naisipan ko rin na magpalagay ng parang kubo sa likod bahay na kung saan pwede kaming magtambay at magrelax lang habang tinitingnan ang magandang tanawin sa likod namin. Isa pa pala ay maliit ako na vegetable garden at may mga tanim rin akong ibat ibang mga spices. Mga bagong tanim palang sila kaya hindi pa masyadong matrabaho ang pagtatanim nito. Nagsimula na rin akong mag-alaga ng dalawang kambing muna dahil baka mawalan ako ng oras kapag fully

