Robert Anderson Parang bumalik naman ang mga alala sa akin noong araw na malaman ni dad ang tunay kong kasarian. Galit nagalit siya sa akin at halos hindi na niya ako ituring na anak. Para akong isang taong hindi niya kilala kapag nasa bahay ako. Sinubukan ko namang ipaliwanag ang sarili ko pero sarado ang isip niya tungkol sa kasarian ko. Iniisip niya ay isa akong pagkakamali at salot sa lipunan. Pero dahil ama ko siya ay sinubukan ko siyang intindihin. Sinubukan kong magpakalalake pero hindi ko talaga kaya. Sinubukan ko ring gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya at para mapansin niya rin ako. Kahit na parang ginawa na niya akong katulong sa loob ng bahay ay tiniis ko ito sa pag-asang matatanggap niya rin ako kung gagawin ko ang mga ito. Sa pagtabig sa akin ni Tony kanin

