ROSA
Dalawa lang po ang hiling ko..
Ano yon hija?kahit ano, Ayaw mo naman ng pera kaya kong ano hilingin mo ibibigay ko..
Nandito kami sa hotel na tinirhan nila Pansamantala, Dalawang araw na sila dito..Noong gabi ding yon nakalabas na si prince,Pero ayaw sumama sa kanila kaya hanggang ngayon nandito parin sila,Bilang pasasalamat nila sa akin bibigyan sana ako ng pera,Pero hindi ko tinanggap..
Totoo ang pagmamahal na naramdaman ko kay prince, Walang kapalit na kahit na ano man..
Una po pag nakaalala na siya,At bumalik na siya sa normal wag nyu pong sabihin ang tungkol sa akin..
Ha? Pero magtataka siya kong paan-O sige,Kong yan talaga ang gusto mo..Ano yong pangalawa?Pag suko ni ma'am..
Pangalawa po,Bigyan nyu po ako ng isang araw bago ang alis nyu na makasama siya ng kami lang.. Kahit saglit lang,Gusto kong umiiyak na ako ngayon,Dahil iniisip ko palang malalayo na si prince sa akin parang tinatatak ang puso ko ng kutsilyo..Masakit,Ito ang unang nagmahal ako sa isang lalaking may sariling mundo..
Mahirap man aminin,Pero yon ang totoo..Kahit alam ko ang totoo na wala patutunguhan ang pagmamahal ko sa lalaking ito,Tinuloy ko pa rin..Sumugal ako kahit walang kasiguraduhan...
Si prince ang dahilan kong bakit nakayanan kong lumaban sa pamilya ko,Si prince ang dahilan kong bakit naramdaman kong kamahal mahal dib pala ako..Na kahit wala siya sinabi at Ginagawa basta nanjan lang siya sapat na sa akin..
Oo naman hija..
Prince...Ang pangalan ko pala ay Rosa, Rosalinda De Guzman... Rosa nalang para hindi ka mahirapan,Mahaba haba kasi kong buong pangalan ko pa..
Diba,Lagi kitang tinuturuan sa pangalan ko?Pero nauuwi lang sa s-syopaw ang bigkas mo,S-s-sana sa huli marinig kong tinawag mo ako sa pangalan ko..
Totoo lahat ng pinak-kita ko sayo prince,Ikaw lang ang nagiisa kong prince kahit mahirap kalang ng nakita kita, para sa akin ikaw ang prinsipe ko,Dati nangangarap lang ako na makatagpo din ako ng prince charming ko..Gaya ng kwento sa mga nababasa kong poket book..
Hahaha, Hindi ko akalain na maranasan ko talaga yon,Dahil dumating ka..Unang kita ko palang sayo alam kong ikaw na ang Prinsipe ko..Alam mo yon,Parang kumikinang ka kasi noon sa paningin ko,Habang nakatitig ka parang may sinasabi yang berde mong mata..
Prince..Lahat ng yon, Hanggang d-dito nalang, Kalimutan muna lahat ng nangyari dito.At hayaan mo akong baunin ko lahat na yon sa alala ko..Lahat ng yon ay akin nalang ha?hmm..Nandito kami sa park,kong saan ko siya unang iniwan noon.
Magpagaling ka,ipangako mong magpapagaling ka ha,At mamuhay ng normal..Mahal na mahal kita aking prinsipe,Ikaw lang at wala ng iba pa..Sapat na sa akin ang mga alaala mo Prince,Isasauli nakita sa mga magulang mo,Ang tunay na pamilya mo..Matagal ka nilang inantay..Ilang taon karin nawala hm?
Tumayo na ako,At dahan dahan na umalis sa kinauupuan niya..Jan kalang ha?Gaya ng dati,pag sinabi ko jan kalang jan kalang,babalik si rosa..
S-syopaw..Tumayo ito at susunod sana pero umiling iling ako,Sinabi ko na jan kalang eh.. Tapos na tayo prince, Ibibigay na kita sa magulang mo..Jan kalang!!!Galit kong Sabi,sabay talikod agad namang naalerto ang mga tauhan ni ma'am at hinawakan si prince..
Dali dali naman akong umalis,habang napahikbi, ayaw kong lumingon dahil paglilingon ako alam kong bibigay na ako,dinig na dinig ko ang pagwawala niya.napahinto ako sa aking paglalakad ng tinawag niya ako,"
R-r-osa..!!!
Ro-rosa!!!
This time, pangalan ko na talaga..Kaya napatakip ako ng aking bibig ng napahagolgol nalang ako, Parang dinurog na puso ko dahil sa pagtawag ni prince sa akin ng pangalan ko..
A-yaw kong lumingon, pero napalingon ako ng dumaing ito.Sinuntok siya ng isang tauhan nila,yon ang utos din ng ama niya kong papalag talaga..
R-rosa!! A-yaw..!
Napailing iling ako,Hudyat na ayaw kona..
Ayaw ko na sayo prince!!uwi kana! ayaw ko na sayo,Nakakapagod kang alagaan!! Please lang,pagpahingahin mo ako!!
R-rosa.,!!!
Nakita ko nalang siyang,binitbit ng mga tauhan nila,na kahit nagwawala na ito nakayanan naman nila...
Sakay ng sasakyan,na unti unti ng umalis, Hanggang dito dinig ko parin ang hiyaw ni prince...Wala sa sarili napaupo nalang ako sa semento na kinatatayuan ko..
Wala na,tapos na.. Wala na ang taong unang nagmahal ng totoo sa akon, Wala na talaga si prince,kong babalik man siya dito baka ibang prince na ang dumating..
Sana makayanan ko ang lahat Ngayon wala kana prince..Hangad ko na gumaling kana..
Rosa..
Lumingon ako kay chukla na ngayon papalapit na sakin..Siya lang nakakaalam ng pinagdadaanan ko ngayon,Ang tanging karamay ko..
Tama na yan..
Wala na siya chuks,iniwan na ako ni prince,wala na ang taong nagmahal at nagpahalaga sa akin,ang nagparamdam sa akin na kamahal mahal pala ako?kaylan man hindi ko naramdaman to sa sarili kong pamilya, Lalo na sa ina ko..
Nandito pa ako bakla,hindi kita pabayaan..Wag mo akong kalimutan magkasama na tayo noon paman..
Sorry,Nawala lang ako sa sarili..
Sus,!Ang sabihin mo na mahal molang si prince kaya nagkaganyan ka,halikana nga!ng makatulog kana ang laki na ng pinayat mo,ilang araw kaba naman walang tulog..
Salamat Chuks,Kong wala ka papaano na ako ngayon..
Aysus,nagdrama pa.Hindi kita iiwan magsasama tayo hanggang pagtanda bakla..Kaya tama na ang drama at matulog na tayo,at may pasok na naman tayo bukas..
Oo nga..
Napalingon ako ulit sa kinaruruunan ni prince kanina,pero wala na talaga ang sasakyan nila.. Nagumpisa na akong maglakad,dahil naiwan na Ako ni chukla..Si chukla pala ang kaibigan kong walang sawang tumulong sa akin,kahit tambak na ang utang ko dito nagpapahiram parin siya haha.. Grabe, minsan kalang makakahanap ng totoong kaibigan,at iisa na si chukla sa mga yon..
Nang nakarating kami sa inupahan ko bumalik na naman ang lungkot ko,parang hindi ko na kayang tumira dito,mas lalo lang akong malulungkot..
Ano kaya mo ba?tanong ni chukla,kaya napatango nalang ako kahit hindi ko naman talaga kaya,ayaw ko ng maperwisyo pa siya sa akin, Kailangan niya rin magpahinga..Ilang araw niya rin akong sinamahan sa pagsasikaso kay prince..
Sige na chucks,Umuwi kana at matulog..
Sige ha,basta tawag ka pag hindi na kaya okay..Babalik ako dito bukas..
Okay chuks, ingat..
bye..
Kaya napilitan akong pumasok sa kwarto ko,at pagpasok ko ang alala agad ni prince ang unang pumasok sa isip ko, Prince... Mahinang bulong ko kasabay nun ang pagbasak ng mga luha ko na kanina p gusto kumawala...
Prince..
©M.A Stories