Chapter 12: The Deal of Deception

1728 Words
JERU "BOSS, tumatawag na naman si Esquivel," sabi sa akin ni Dylan. Kakauwi lang namin sa penthouse, at para bang gusto ko lang humiga at kalimutan ang mundo. Pero siyempre, hindi ako gano’n kaswerte.. “Hayaan mo na. Mananahimik din ‘yon,” naiiling na sabi ni Dylan nang wala akong imik. “Hindi,” sagot ko, dumilat ako at tumingin sa kaniya. “Sagutin mo. Gusto kong marinig kung hanggang saan ang desperasyon niya.” Tumango siya at sinagot ang tawag. “Hello?” Tahimik akong nakinig. “Sige, sasabihin ko. Hintayin na lang nila ang confirmation ko.” Pagkatapos ng tawag, nagkatinginan kami. “Anong sabi?” tanong ko. “Nandito na raw sila sa Maynila. Kasama niya ang anak niya. Kung seryoso ka raw talaga sa offer mo—‘yong kasal para tulungan siyang linisin ang pangalan niya—gusto ka raw nilang makausap. Ngayon.” Natigilan ako. For a second, the air felt heavier. Damira Esquivel. Hindi ko alam kung makikilala niya ako... pero ako, hinding-hindi ko siya nakalimutan. "Sabihin mong pumunta sila ngayon dito sa hotel kung gusto nila akong makausap," sagot ko naman pagtapos ay tumayo ako para pumunta ng kwarto ko. "Dito ba sa penthouse mo?" paniniguro niya. "Syempre hindi!" mabilis na sagot ko. "Gusto mo bang makita niya 'to?" naiiling na tanong ko na ang tinutukoy ko ay ang picture namin ng pamilya ko. "Sabihin mo sa presedential suite. Ipapaayos ko na 'yon para sa appointment naming dalawa. Doon mo na sila padiretsuhin. Magbibihis lang ako." "Okay, naiintindihan ko." Wala akong kahit anong naisalbang gamit mula sa lumang bahay namin sa Sta. Ilaya noon. Dahil nang malaman kong maraming pulis ang nakaaligid sa bahay namin ay gumawa ako ng paraan para maipasunog ko 'yon. Ayokong may magamit silang kahit anong bagay mula sa bahay namin laban sa pamilya namin noon. Pagpasok ko sa kuwarto ko ay nagbihis lang ako. Dahil siguradong akong any minute ay darating na rin ang mga Esquivel. Sinadya nila ako rito kaya siguradong hindi sila magsasayang ng oras. Pagkabihis ko ay lumabas na 'ko, at sinalubong naman ako ni Dylan. "Nandyan na raw sila," naiiling na sabi niya. "Mukhang tama ang hinala mo noong ilabas natin sa media ang tungkol sa mga corruption niya." "Walang sasayanging oras 'yan. Lalo at malapit nang magbukas ang filing for certificate of candidacy," sabi ko naman. "Tara na, ayoko rin namang magsayang ng oras. Dahil sisiguraduhin ko na bago mag-election ay tuluyang masisira ang pangalan niya." Lumabas kami ng penthouse ko at dumeretso kami sa presedential suite. May mga staff na akong nakaabang sa labas ng pinto. Tanda na nandoon na ang mga taong kausap ko. "Good afternoon, sir Jeru!" nakangiting bati sa akin ng attendant na naro'n. Ngumiti naman ako sa kaniya. "After 5 minutes ay magpasok kayo ng menu sa loob. Make sure the head chef knows I expect their full attention on our guest today." "Understood, sir!" mabilis naman na sagot niya kaya tumango ako at humarap sa pinto para kumatok. Pagpasok ko ay nakaupo na sila sa table set-up na pinasadya ko pa sa mga staff para mismo sa meeting na 'yon. "Mabuti ang pinaunlakan mo kami ngayong araw, Mr. McBride," sabi ni Esquivel at tumayo pa siya para salubungin ako. "The pleasure is mine, Senator Esquivel," natigilan siya sa sinabi ko at lalong lumapad ang ngiti niya. Well, tempting him with what he's been longing for—that's all part of my plan. Alam kong matagal na niyang pangarap maging Senador at sigurado akong pangarap din niyang maging Presidente ng bansang 'to. At isa 'yon sa plano ko, papalasap ko sa kaniya para kapag bumagsak siya mas masakit. "Damira, pwede bang bumati ka naman kay Mr. McBride?!" puna niya sa sariling anak na hanggang ngayon ay hindi tumitingin sa akin. "Damira!" pagbanggit niya ng pangalan ng anak ay mabilis siyang tumingin sa 'kin. At halatang nagulat siya nang makita ako. "Hindi ko kasi sinabi sa kaniya na ikaw ang tatagpuin namin ngayon dito, Mr. McBride. Hindi kasi siya sasama kapag sinabi ko," dagdag pa ni Esquivel kaya tumango lang ako. "Let's have a sit," sabi ko pagtapos ay tumingin ako kay Dylan. "Pakipasok na 'yong menu," utos ko kaya binuksan naman ni Dylan ang pinto at pinapasok ang isang attendant. "Please, take your order. Every dish on the menu is a specialty served exclusively here at El Continental Hotel." When they're taking their orders, nakamasid lang ako sa kanila. Si Damira, napapansin kong masimple ding tumitingin sa 'kin. Di ko ma-assess kung nakikilala niya ba ako dahil sa artista ako o nakikilala niya ako dahil sa nakaraan namin. "Okay na siguro 'tong order namin," sabi naman ni Esquivel. Dumeretso siya ng pagkakaupo at seryosong tumingin sa 'kin. "Ngayon, gusto kong pag-usapan na natin ang tungkol sa nalalapit niyong kasal—" "Kasal?" Gulat na gulat na tanong ni Damira. "Seriously, Dad? Gusto mo 'kong ipakasal para sa pansariling ambisyon mo?" Galit na tanong sa kaniya ni Damira. "Shut up, Damira! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko para lang marating ang kinalalagyan natin ngayon. Kaya lahat gagawin ko para lang matupad ko 'yon." "Nagtitiwala ka sa taong 'yan?" Sarkastikong tumingin sa 'kin si Damira. "Gaano ka kasigurado na hindi ka lolokohin niyang taong 'yan?" Napatingin naman sa 'kin si Demetrio. At seryoso rin akong tumingin sa kaniya. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko, Mr. McBride. Hindi pa kasi niya alam, at hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa offer mo. Hindi ko pa talaga naipapaliwanag ng maayos sa kaniya," paghingi niya ng paumanhin sa akin. "Alam ko naman na hindi niyo ko magagawang lokohin. At sabi mo nga hindi mo magagawang sirain ang pangalang matagal mo nang iningatan." "You're right, Mr. Esquivel. Kaya nga hanggang ngayon sa pagkakatanda ko ay hindi pa naman ako uma-agree sa kasal. 'Yan ang una 'kong offer bago lumabas ang issue tungkol sa 'yo pero sinabihan kita no'ng unang pag-uusap natin, na pag-iisipan ko 'yan at wala akong nabanggit sa tao ko na pumapayag ako." Nagsalubong ang kilay ni Damira sa sinabi ko. "Sira na ang pangalan mo, sira na ang pangalan ng pamilya ninyo. Ano namang mapapala ko kung magpapakasal ako sa anak mo?" Pakiramdam ko ay kilala ako ni Damira, hindi bilang artista pero 13 years ago. Kaya ayoko siya bigyan ng hint na ako ang batang kilala niya 13 years ago. "Kaya isinama ko si Damira, Mr. McBride, dahil gusto ko makita mo na karapat-dapat pa rin ang anak ko kahit sira na ang pangalan ko," he paused and seriously look at me. "Gusto ko rin kasi masigurado na nasa mabuting kamay ang anak ko kahit ano pa man ang mangyari sa karera ko bilang politiko. Siya ang nag-iisa kong dahilan kaya ako nagsikap maabot ang lahat ng bagay na mayroon kami ngayon." Di ako sumagot dahil dumating na ang pagkain namin pero pinag-aralan ko ang reaction ni Damira sa sinabi ni Demetrio. Mukhang hindi naman siya tumututol sa sinabi ng ama niya. "Let's focus on the food first before anything else," sabi ko naman nang mai-serve na sa harap namin ang mga pagkain. "Gusto kong mas makilala ang anak mo, Mr. Esquivel, bago ako magdesisyon." "Walang problema sa 'kin, Mr. McBride," nakangiti nang sabi niya. "May meeting ako after this, kaya iiwanan ko muna rito ang anak ko." Nagulat si Damira sa sinabi ng sariling ama. "That's nice to hear, Mr. Esquivel." Pagtapos ay tinapos ko na rin ang pagkain ko. Sa totoo lang ay nahihirapan akong lumunok dahil sa pagmumukha ng taong nasa harap ko but I'm trying to be casual. Nang matapos siyang kumain ay katulad ng sinabi niya tumayo na siya at nagpaalam sa amin ni Damira. May ibinulong siya kay Damira pero hindi ko na narinig kung anoman 'yon. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ni Damira nang makalabas ng ng presedential suite si Demetrio. "So tell me, Jerusalem McBride—what's this scheme now?" sarkastiko siyang ngumiti sa 'kin. "Akala mo ba hindi kita makikilala? Sa totoo lang, matagal ko nang hinihintay ang muli nating paghaharap. Dahil alam kong darating ang araw na maniningil ka ng utang ng pamilya ko sa pamilya mo." Napangiti ako pero sarkastiko rin. "So tell me too, Damira—why didn't you tell your father everything you knew?" Natigilan din siya sa tanong ko. Sinenyasan ko si Dylan na lumabas na muna ng kuwartong 'yon at sumunod naman siya. “You know what, Jeru? This is bullshít!” she spat, sabay talikod. Pero bago pa siya makarating sa pinto, mabilis ko siyang hinigit pabalik. Napahawak siya sa braso ko, gulat at galit. Pabalibag ko siyang isinandal sa pinto. "You expected me, yet you did nothing to stop my plan. Were you hoping for this? For me to finally come back?” Mas inilapit ko ang sarili ko sa kaniya. Do I tease her? Yes. But more than that, I despise her. She glared, refusing to look away. I leaned closer, my breath brushing her cheek. “Don’t tell me… you’ve been waiting for this too, Damira.” “Go to hell,” mariin niyang sabi. I almost kissed her—almost—when the door burst open. "What the fvck!" Inis na mura ko. Kinabig ko si Damira palapit sa 'kin saka ko binuksan ang pinto. "Who the hell is that?" Galit na sigaw ko habang nakahawak pa rin ako sa braso ni Damira at halos nakayakap na siya sa akin. "Paige?" Gulat na tawag ko sa pangalan niya nang siya ang makita ko ro'n. Si Dylan naman ay nakataas lang ang dalawang kamay at umiiling-iling sa 'kin. Which means he tried to stop Paige, but he couldn't. Si Paige naman ay palipat-lipat lang ang tingin sa aming dalawa ni Damira. Kaya mabilis kong binitiwan si Damira at saka ako humakbang palapit kay Paige. "What are you doing here, Paige?" nagtatakang tanong ko. "And you! What the hell are you doing here, Jeru?" May halong panunumbat ang boses niya. "Hindi ba sabi mo sa 'kin matatagalan ka pa sa Los Angeles? And who exactly is she?" Magkakasunod na tanong niya kaya napahawak ako sa batok ko. I have no idea how to deal with her right now. "Me?" singit naman ni Damira pagtapos ay humawak pa siya sa braso ko. "I'm his fiancé," diretsong sagot ni Damira na ikinalaglag ng panga ni Paige.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD