SHANE Madilim na pero hindi ako mapakali sa loob ng unit ko kaya tumambay muna ako sa labas. Nakaupo ako sa maliit na kubo na nasa looban ng mga Lozano. Pinasadya nilang ilagay ito para maging pahingahan ng mga tenant. Ngayon lang ako naupo rito sa loob ng mahigit dalawang buwang pamamalagi ko sa paupahan nila. Ayos pala at maaliwalas kapag may pahingahang kubo sa looban. Naisipan ko tuloy palagyan ng ganito sa hardin ng mansyon. Naisip ko na naman ang naiwan kong problema sa pamilya. Dinukot ko ang phone ko mula sa bulsa saka ko tinawagan si Mang Dado. "May nakausap na ho kayo para mag-imbestiga?" "Mayro'n na, Young Master, at hindi siya magpapabayad hangga't walang resulta ang imbestigasyon niya. Hindi ko pa sinabi kung sino ang nagpapahanap. Hindi rin naman siya nagtanong," sagot ni

